Taas-sahod at proteksyon, giit sa Araw ng mga Manggagawang Pangkalusugan

Nagpahayag ang Alliance of Health Workers sa paggunita ng ‘Healh Workers Day’ kung saan sigaw nila ang mataas, disente at nakabubuhay na sahod, pagtugon sa lumalalang understaffing sa mga pampublikong ospital at pagtigil sa red-tagging na ginagawa ng NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) sa kanilang sektor.

Kasabay nito, mayroon din silang mga kahilingan sa mga kandidato na mananalo sa darating na eleksyon sa Mayo 9.