Hindi pa man nagsisimula ang programa at martsa ng mga dumalo sa SONA ng Sambayanan 2026, nanghuli agad ng mga nagpoprotesta ang mga pulis. Mahigit sa 50 katao na karamihan ay kabataan ang hinuli sa anila’y paglabag sa ano-anong batas at ordinansa. Naging marahas ang pamamaraan ng paghuli sa kabila ng pagkakaroon ng permit at usapan sa pamamagitan ng mga organisador at mga otoridad.
Commonwealth Avenue, Quezon City July 27, 2026 (JDM/Kodao)




