Si Nanay Monet, ang koprahan, at militarisasyon sa kanayunan
Si Nanay Monet Pajalla, 52 taong gulang at isang magsasaka sa Quezon, ay katulad ng ibang kababaihan na hikahos sa buhay.
Bukod sa kawalan ng lupa, patuloy na bumabagsak ang kita nila sa pagbebenta ng kopra. Isa rin si Nanay Monet sa matagal nang nag-hihintay na makuha ang ipinagkakait na coco levy fund noong panahon pa ni Marcos.
Tumitindi ang panunupil at pandarahas sa kanilang lugar sa Quezon kabilang na ang pagpaslang sa isang lider kababaihan noong Marso 2018 at malaganap na militarisasyon.
Sa kabila nito, patuloy ang grupo nila na nag-oorganisa at nagpapalakas ng kanilang hanay. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)