Si Ka Lito, lider manggagawa sa pantalan
Si Ka Lito Luces, 59 taong gulang at isa sa mga haligi ng kilusang paggawa sa pier sa North Harbor sa Maynila. Simula 1995 ay siya na ang tagapangulo ng unyon (PAMBATO-LAND-KMU) na nangunguna sa kanilang mga laban para sa karapatan at kagalingan.
Sa kabila nang matinding tanggalan dulot ng kontratwalisasyon sa mga manggagawa sa pier, patuloy silang nakikibaka para labanan ito.
Hiling din nila na maitaas pa ang kanilang sahod. Ang kasalukuyan na P537 kada araw ito ay katumbas lamang na halos P400 ayon kay Ka Lito.
Natapos man ang araw ng manggagawa noong Mayo 1., sigaw nila sa gubyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang sahod sa buong bansa at wakasan ang anumang porma ng kontraktwaliasyon. (Bidyo ni Joseph Cuevas/ Kodao)