Scholars hold National Day of Action
Nagtipon ang mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman noong Agosto 16, 2018 para sa National Day of Action na tinawag nilang Laban Iskolar para sa Karapatan sa Edukasyon.
Mariin na kinundena ng mga Iskolar ng bayan ang mga atake ni Duterte sa kanilang sektor sa porma ng iba’t ibang iskema tulad ng Socialized Tuition System (STS), Return Service System, Mandatory ROTC, Budget Cuts, at K-12 program.
Ayon sa kanila, ang mga iskemang ito ay paraan ng gubyerno upang pagkakitaan ang bawat kabataang pilipino.
Patuloy na ipinanawagan ng mga kabataan ang kanilang mga demokratikong karapatan, at ang pagpapatalsik kay Duterte. (Aug 16, 2018 / Palma Hall / UP Diliman)–Maricon Montajes