Reclamation project tinututulan ng mga taga-Taliptip

Isang kilos-protesta ang isinagawa ng mga residente ng Sitio Taliptip sa Bulakan, Bulacan sa harapan ng Department of Environment and Natural Resources Region 3 sa San Fernando, Pampanga.

Nanawagan sila sa ahensya na ipawalang-bisa ang Environmental Compliance Certificate ng Silvertides Holdings na siyang sub-contractor ng San Miguel Corporation para sa pagtatayo ng New Manila International Airport o Aerotropolis sa nasabing lugar.

Tinatayang nasa 1,000 pamilya ang mawawalan ng tirahan gayundin na ang hanapbuhay ay pangingisda. Masisira din ang mga bakawan at ilang yamang tubig sa nasabing isla.

Ang Bulacan Aerotropolis ay isa mga proyekto ng pamahalaang Duterte sa ilalim ng Build, Build, Build Program. Bibigyan ng Department of Transportation ang San Miguel Corporation para pamahalaan ang konstruksyon ng Aerotropolis. (Music: news background. Bidyo ni Joseph Cuevas/ Kodao)