Pamamaslang sa Negros, ipinanawagang itigil
Libo-libong mamamayan ang nagmartsa patungong Liwasang Bonifacio noong Martes, Agosto 20, upang kondenahin ang walang habas na pamamamaslang sa isla ng Negros mula noong inilabas ng gubyernong Rodrigo Duterte ang Memorandum No. 32 na anila’y may sala sa mga kamatayan.
Ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapadala ng mas maraming sundalo sa Negros, gayundin ang pagsugpo sa New People’s Army sa isla. Subalit, ang mga magsasaka, bata, abogado, lingkod bayan, kababaihan, at iba pang mahihirap ang anila’y biktima ng militarisasyon.