Dahil may kumikilos
“Ang dagdag-sahod ay ipinaglaban ng mga manggagawa. Halos araw-araw ay pumupunta sila sa kung saan-saang regional wage board para isampa ang kanilang reklamo para tugunan ang kanilang pangangailangan. Lahat ng problema natin ay natutugunan dahil may mga kumikilos, may mga nagsasalita na di natatakot kahit buhay na nila ang nakalagay sa alanganin.”





