Images

Hinggil sa pagkakahuli ni Alice Guo sa Indonesia

“May mga biruan tuloy ngayon na buti at lumabas ng bansa si Guo kaya nahuli. Kasi malamang, kung hindi, ay di pa siya nahuhuli tulad na lang nina Quiboloy at Bantag. Sayang talaga ang confidential and intelligence funds na sana sa social services na lang inilagay.”

Ang mga kandidato ng Makabayan

“Ang ating mga kandidato, simple man ang kanilang pinagmulan, ipinagmamalaki natin sila. Ipinagmamalaki nating hindi sila nagnakaw. Ipinagmamalaki nating hindi sila nagpayaman. Ipinagmamalaki nating hindi sila nang-api ng kapwa. Hindi sila puro pangako at porma. Ang ating mga kandidato ay may programa, may plataporma: Pambansang Demokrasya!”

Significant shift towards new politics

“The legacy of traditional politicians and dynasties must end. It is time for leaders who genuinely carry the interests of the Filipino people. The Makabayan Coalition invites all Filipinos to support this significant shift towards new politics, good governance, and service for the people.”

Malasakit sa seafarers

“Maraming isyu na dapat tugunan sa Magna Carta of Seafarers. Ang ayaw natin ay magkaroon pa ng dagdag pang problema at pasakit sa ating mga

On Liza Maza’s declaration of candidacy

“Umaasa ako na susuporta kayo sa katarungan, susuporta sa kagalingan, susuporta sa tunay na pag-unlad ng ating bayan sa pamamagitan ng pagkalinga sa ating mga matagal nang walang boses, sa ating masa, sa ating sambayanang Pilipino.”

Ang tunay na isyu ng Talaingod 13

“Hindi si France Castro ang isyu dito. Hindi si Ka Satur (Ocampo) ang isyu dito. Ang malaking isyu dito ay ang patuloy na pagpapabaya ng gubyerno sa ating mga katutubo, sa patuloy na pagpapabaya sa serbisyong panlipunan sa mga katutubo. Ito ang pinaka-significance ng kaso namin, hindi kaming dalawa.”

Hinggil sa welga ng Nexperia workers

“Walang ibang intensyon ang kapitalista ng Nexperia kundi ang pumiga ng higit pang tubo sa hanay ninyo. Kailangan nating gamitin ang ating makasaysayang tungkulin, na malalabanan natin ang tanggalan at iba pang porma ng pagsasamantala sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, sama-samang pagkilos, ITIRIK NATIN ANG PINAKAMALAKAS NA WELGA NG NEXPERIA na magiging inspirasyon sa buong bansa.”

Hinggil sa 2+2 US-RP Ministerial Dialogue

“Kinakaharap ngayon ng ating bayan ang napakaraming kalamidad at sakuna. Pero sa halip na tugunan itong pagbaha, itong oil spill, ang inuuna ng ating pamahalaan ay ang makipagpulong kina (US State Secretary Anthony) Blinken at (US Defense Secretary Lloyd) Austin na isinusulong para pumayag ang Pilipinas sa bagong kasunduan na tuwirang pakikialam ng US sa ating bayan ang kahulugan.”

Ang panawagan ng kawani sa gobyerno

“Walang pinag-iba si BBM para sa mga kawani ng gubyerno. Walang dagdag-sahod, walang kasiguruhan sa trabaho, at nagbabanta pa ng malawakang tanggalan sa trabaho. Ang mga kawani ay nandito sa People’s SOna para isigaw, ‘NAKABUBUHAY na DAGDAG-SAHOD, ₱33K across the bureaucracy at ituloy ang laban para sa kasiguruhan sa trabaho!'”–SANTIAGO DASMARIÑAS/President, Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE)

Hindi para sa kalikasan ang ‘Bagong Pilipinas’

“Ang Bagong Pilipinas ng rehimeng US-Marcos ay hindi totoong para sa kalikasan, kaunlaran at karapatan ng mamamayan. Dahil ang tunay na pagprotekta sa kalikasan ay ‘di dapat bumabangga sa karapatang-tao kundi dapat nagsisilbi rito.”