‘Wala pa ring programang matino para sa mga kabataan at sektor ng edukasyon’

“Habang pataas ng pataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nananatili namang bulag at bingi ang pamahalaang Duterte [at] ang DepEd sa nga hinaing ng mga guro at magulang. Kahit pa man pataas at palala ang kaso ng pandemya sa bansa ay wala pa rin siyang programang matino para sa mga kabataan at sektor ng edukasyon.”Raymond Basilio, Alliance of Concerned Teachers

‘Ang Pride ay hindi lamang sa buwan ng Hunyo ginaganap’

“Ang Pride ay hindi lamang sa buwan ng Hunyo ginaganap. Isinasapuso ito sa bawat araw na patuloy ang diskriminasyon, paghamak sa karapatang pantao at pang-aabuso ng pasistang rehimen. Ito ay mananatiling tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at malayang pagpapahayag.” Rey Salinas, Bahaghari

‘Kapag hindi tayo nagsalita, kinampihan natin ang mali’

“Sa mga kasamahan kong artistang di nagsasalita, ano? May network pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network, kahit magpa-cute kayo diyan sa IG, mag-send kayo ng mga sad face, hindi niyo nadadamayan ang mga katrabaho niyo na dahilan kung bakit kyo sumikat. Kapag hindi tayo nagsalita ibig sabihin kinampihan natin ang mali” – actor Angel Locsin, 18 July 2020 at the simultaneous nationwide noise barrage for ABS-CBN

‘Hindi natin kailangan ng consuelo de bobo’

“Hindi natin kailangan ng consuelo de bobo sa panahong ito ng pandemya at malawak na kagutuman. Ang kailangan ng manggagawa ay ibalik sa kanila ang kanilang trabaho. Ibalik ang ABS-CBN!

The committee knew fully well that denying ABS-CBN’s franchise would lead to thousands of workers unemployed which will further monkey wrench our already dwindling economy. But they did it anyway without a shred of truth – all just to please President Duterte in his wish to bring down the Kapamilya network.”Hon. Ferdinand Gaite, Representative, Bayan Muna Party List

‘Ma, hanggang August 31 na lang po ako sa ABS’

“Ma, hanggang August 31 na lang po ako sa ABS.

Sa halos limang taon ko bilang Kapamilya, ‘di ko inasahan na sasabihin ko ito sa aking pamilya.

Hindi lang trabaho ang kinuha nila sa amin. Pangarap at kinabukasan. ‘Yun ang ninakaw sa amin. I’ve worked so hard for this. ‘Di ko naman nakuha ‘to sa isang iglap lang eh. Pero sa isang iglap lang, mawawala na ang lahat. Hindi kayo makatao.

Ako, #KapamilyaForever. Kayo, hindi forever. #ManiningilAngKasaysayan” — Jon Montesa, Brand Communication Manager, ABS-CBN

‘Ito ba ang kapalit ng pagboto namin kay Duterte?’

“Sa totoo lang po, aaminin ko sa lahat na talagang ibinoto ko ang Pangulong Duterte. ‘Yung mga kasamahan natin sa probinsiya, sa RNG (regional network group), ibinoto din siya.

Ito ba ang kapalit ng aming pagboto sa kaniya? Kikitilin ang aming hanapbuhay? Gugutumin ang aming pamilya? Hindi na kami makatulong sa aming mga kamag-anak at kapatid at magulang? Sobrang masakit po.” — Raul de Asis, President, ABS-CBN
Supervisory Employees Union

‘It ain’t over yet’

“It ain’t over yet. We will not cease to exhaust any and all legitimate steps and platforms to challenge this draconian law. This without doubt is the most unpopular and perilous piece of legislation that could ever be pushed by a government that is fixated with the potion of power. In time, we will look back to this day of infamy and say the unbridled and terrorizing power of the government will always bend and retreat eventually when the people push back hard enough.”Atty. Edre U. Olalia, ‘Activist, not terrorist’

Antoinette Jadaone: “Ang laban ng ABS-CBN ay laban ko rin”

“Ang laban ng ABS-CBN ay laban ko rin. Ang laban ng mga inarestong Pride
protester, kahit ‘di ka man LGBT, ay laban din natin. Ang laban ng mga jeepney driver, kahit ’di tayo driver, laban din natin. Ang laban ng mga aktibista, ng mga OFW, laban natin. DAHIL IISANG BANGKA TAYO.”
Antoinette Jadaone, Film Maker

‘Kailangan pa ring panghawakan ang laban sa pekeng modernisasyon’

“Bagamat kinikilala bilang tagumpay, kailangan pa rin nating panghawakan ang laban sa pekeng modernisasyon. Niraratsada pa rin ng sabwatang Duterte-DOTR-LTFRB ang jeepney phaseout sa gitna ng pandemya para bigyang daan ang imported at napakamahal na “modern” jeeps bilang kapalit ng tradisyunal na jeep.”Mody Floranda, National President, PISTON

Ang sinapit ng mga drayber

“Dati, kami ang kinakawayan. Ngayon, kami ang kumakaway [para mamalimos].”–Joel Caligayan, tsuper ng jeep biyaheng Rosario-Cubao