Mga larawan ni Jon Bustamante/Kodao
Tuloy-tuloy ang pagkilos ng mga kasapi ng iba’tibang organisasyon sa The Hague, The Netherlands na nananawagan sa pagpapanagot kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ikalawang sunod na linggo, nagdaos ng rali at martsa ang mga kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan-Europe, Migrante-Europe, Gabriela-Europe at iba pa sa harap ng International Criminal Court.
Nagmartsa rin sila patungong Scheveningen Prison kung saan nakapiit si Duterte habang naghahanda sa kanyang paglilitis na magsisimula sa Syetembre.
Ayon sa mga grupo, kailangang managot si Duterte sa libo-libong ekstrahudisyal na pinatay sa ilalim ng kanyang rehimen bilang alkalde ng Davao City at pangulo ng Pilipinas. #







