Pahayag ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista kay yumaong Fidel Agcaoili

Ginanap noong Agosto 8 ang isang birtwal na parangal para kay yumaong NDF Chief Negotiator Fidel Agcaoili. Pumanaw si Ka Fidel noong Hulyo 23 dahil sa sakit. Iba’t ibang personalidad na mga kaibigan at nakasama ni Ka Fidel ang nagpaabot ng pakikidalamhati at nagsalaysay ng kani-kanilang kwento sa kanya.

Isa sa mga nakiramay ay ang dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista. Nakasama niya si Ka Fidel sa ilang peace talks na naganap noong mga nakaraang taon.