Pahayag ng grupong PISTON hinggil sa ‘No Vax, No Ride’ policy

Habang patuloy ang kanilang protesta sa bantang phase-out sa mga jeepney at walang awat na taas-presyo ng langis, mariing tinututulan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON ang ipinapatupad na “NO VACCINE, NO RIDE” at inilarawan na isang kontra-drayber at kontra-mamamayan na patakarang ipinapairal ng pamahalaan sa panahon ng pandemya.