Pagpapanagot sa DOH, giit sa National Heroes’ Day

Pinangunahan ng Health Alliance for Democracy at iba pang grupo ang protesta sa harapan ng Department of Health (DOH) sa Araw ng mga Bayani, Agosto 30.

Pangunahin nilang sigaw ay ang pagbibitiw ni DOH Secretary Francisco Duque III dahil sa palpak na pamamahala nito sa ahensya. Binatikos din nila ang maanomalyang pondong winaldas ng DOH na lumabas kamakailan sa ulat ng Commission on Audit ito ay sa gitna ng krisis sa Covid-19 na dinaranas ng mga health workers at mamamayan. (Bidyo ni Jo Maline Mamangun/Kodao)