Paglaban sa terorismo ng estado, sigaw sa protesta sa Mendiola
Nagmartsa papuntang Mendiola sa Maynila ang libu-libong kasapi ng mga progresibong grupo bilang pagdiriwang sa ika-72 taong pandaigidigang araw para sa karapatang pantao.
Pangunahin nilang sigaw ang paglaban sa terorismo ng estado. Ayon sa Karapatan, sa ika-limang taong panunugkulan ni Pangulong Duterte ay lalong tumindi ang paglabag sa karapatang pantao at pinalala pa ito kamakailan ng red-tagging sa mga aktibista at human rights defenders.
(Bidyo nila Maricon Montajes, Jek Alcaraz at Joseph Cuevas/ Kodao)