One Faith, One Nation, One Voice

Ginanap ang One Faith, One Nation, One Voice: A gathering for truth, justice and peace noong Enero 25 sa Rajah Sulayman Plaza, Malate, Manila.

Nagtipon ang mga taong simbahan, kasama ang iba’t ibang sektor sa isang prayer rally para sa karapatang pantao, at pagkundenda sa lowering of age of criminal responsibility.

Nanawagan rin sila sa mga Pilipino na tumindig na at huwag matakot magsalita laban sa patuloy na extra judicial killings, lalo pa’t ngayon maging ang mga taong simbahan ay isa na rin sa mga target ng administrasyong Duterte.

Nagkaroon rin ng candle light protest at nagwakas sa isang human chain sa kahabaan ng Roxas Boulevard. (Bidyo ni Maricon Montajes)