Mga aktibista: ‘Berdugong Esperon,’ walang karapatang akusahan ang mga progresibo
Isang kilos-protesta ang isinagawa ng iba’t-ibang grupo bilang suporta sa grupong Karapatan, Rural Missionaries of the Philippines at Gabriela noong Agosto 1, Hwebes, kontra sa kasong perjury na isinampa ni national security adviser Hermogenes Esperon Jr. laban sa tkanila,
Mariin nilang binatikos ang opisyal sa anila’y pangigipit sa mga grupong nagtataguyod ng karapatang pantao at gawing ligal ang atake sa mga ito.
Anila, ang taong katulad ni Esperon na may maraming reklamong kinaharap hinggil sa paglabag sa karapatang pantao ay hindi dapat nambibintang ng walang batayan. (Bidyo ni Arrem Alcaraz/Kodao)