Makabayan Coalition holds final gathering before polls

Idinaos ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan ang kanilang Miting De Avance noong Mayo 7 sa Plaza Miranda sa Quiapo sa Maynila.

Dumalo ang mga tagasuporta, organisasyon at kasaping mga partylist sa ilalim ng Makabayan. Kabilang na dito ang Bayan Muna, ACT Teachers, Gabriela Women’s Party, Anakpawis at Kabataan.

Inihapag ng mga partylist ang kanilang plataporma para sa susunod na kongreso kabilang na dito ang tuluyang paglaban sa TRAIN Law, tunay na reporma sa lupa, ganap na libreng edukasyon, pag-giit sa mataas na sahod at pagbasura sa kontraktwalisasyon.

Ayon sa Makabayan, sa kabila nang matinding atake ng administrasyon, kawalan ng pondo at paninira mula sa mga kalabang partido, naitaas nila ang laban sa elektoral na pakikibaka sa nakalipas na mga buwan.

Muling ipinakilala at hiniling ng Makabayan na suportahan ang 11 kandidato nito sa eleksyon sa Mayo 13. Ito ay sina Atty. Neri Colmenares, Atty. Chel Diokno, Atty. Florin Hilbay, Erin Tañada, Leody de Guzman, Atty. Sony Matula, Senador Grace Poe, Senador Nancy Binay, Senador Bam Aquino, Samira Gutoc at Serge Osmeña.

Ayon sa Makabayan ito ang magiging “Independent Senate” na siyang tunay na magsusulong ng interes at kagalingan ng taumbayan. (Bidyo nila Maricon Montajes, Carlo Francisco at Joseph Cuevas/ Kodao)