Mabagal na aksyon sa corona virus, binatikos

Mariing binatikos sa isang kilos-protesta ng mga progresibong grupo noong Pebrero 4 ang mabagal na aksyon ng gobyerno sa kumakalat na novel corona virus sa buong mundo. Isang banyaga na ang napaulat na namatay dito sa Pilipinas.

Ayon sa Bayan Muna, dapat magkaroon nang mahigpit na patakaran ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dayuhang papasok sa bansa lalo na sa mga apektado ng nasabing virus.

Binatikos din ng Bayan Muna ang maliit na pondong inilaan sa sektor ng kalusugan para sa taong ito, kabilang na ang kulang na badyet ng Philippine General Hospital na pangunahing ospital para sa mga mahihirap.

Bidyo ni Joseph Cuevas/ Kodao