Ni Ibarra Banaag
Hindi daw kilala kontrarista,
Diumano hindi nakiaalam,
Di rin nangulit sa opisina,
Kahit mismong kapamilya.
Sabi nila ay nakagagalit,
Nakakahiya’t nakadidiri.
Bakit panay ang kangkang,
Silang natulog sa pansitan.
Tumatanggap ng bilyon,
Magkasamang maglimayon,
Singaw ng isang alimuom,
Sa bibig ng mangbubudol.
Tumatangging walang alam,
Kung makailing ay wagas,
Sa pulpito “nag-aalburuto,”
At sa pantalon nagpururot.
Walang alam ang “inosente,”
Na nagbusisi ng badyet,
Nagpasa ng alokasyon,
Pondong sa bulsa inanod.
Lahat ng sangkot ay galit,
Ang titig at panggagalaiti,
Todo sa pagmamalinis,
Sa mga biktimang naiinis.
Paulit-ulit na imbistiga,
Puro bulatsi sa Kamara,
Sa Senado ang pambihira,
Nagkumpulan ang linta!
—Agosto 20, 2025







