KODAO ASKS: Anong inaasahan mo sa administrasyon ni Bongbong Marcos?

Nagprotesta ang mga progresibong organisasyon sa araw ng panunumpa ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang bagong pangulo ng bansa.

Bagamat mayroon silang mga hamon at panawagan, sa kabuuan ay wala silang inaasahan na malaking pagbabago. Bagkus, anila, ay mas titindi pa ang krisis na mararanasan ng mamamayan sa bagong administrasyon.