Kaanak ng Desaperacidos, muling nanawagan ng hustisya
Pinangunahan ng grupong Desaparecidos ang isang pagtitipon sa Bantayog ng mga Bayani noong Hunyo 25 para alalahanin ang mga biktima ng sapilitang pagkawala at muling ipinawagan ang hustisya para sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
Ayon sa kanilang tala, mula noong panahon ni Ferdinand Marcos Sr. hanggang sa termino ni Pangulong Duterte ay nasa 1,880 na ang biktima ng sapilitang pagkawala na karamihan ay mga aktibista, magsasaka at manggagawa. Pinakahuling kaso ay kay Steve Abua na dinukot sa Lubao sa Pampanga noong Nobyembre 2021.
Pinangangambahan nila na mas titindi pa ang kawalang hustisya sa bansa at paglabag sa karapatang-pantao sa paparating na administrasyon ni Bongbong Marcos Jr. (Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao, Background Music: Desap by Pordalab)