Isulong ang agenda para sa mga bata sa darating na eleksyon -CRC
PAHAYAG :Ibinahagi ng Children’s Rehabilitation Center at Salinlahi sa kanilang aktibidad sa Commission on Human Rights, Marso 5 ang agenda ng mga bata sa pamamagitan ng sining-biswal.
Inilahad nila na dapat mabigyan ng boses sa darating na eleskyon ang mga bata na lubhang naapektuhan ng pandemya. Panawagan din nila ang isang maayos at malinis na halalan sa Mayo 9.