By George T. Calaor
The drums of
Balikatan 2026
thunder over
parched soil…
seventeen thousand boots cross the fields
where rice once
waited for rain…
steel birds darken
the sun over
cracked paddies
and idle nets…
while hunger sharpens
in the huts
of the forgotten.
They say “shoulder
to shoulder,”
forged in treaty fire…
but whose shoulders
carry the weight
of empty granaries?…
the plow lies abandoned
rusting beside
the rising cost
of fuel and grain
as cannons rehearse thunder and drown
the farmer’s plea.
From Zambales shores
to Ilocos winds,
the sea is fenced…
no-sail tides
strangle the
breath of fisherfolk
in their own waters.
Nineteen days
the nets hang still
no silver breaking
their silence…
while generals
draw victories
on maps that never fed
a hungry child.
They speak of distant wars—Iran, Palestine
echoes of
burning empires…
casting long shadows
across fields already
scarred by neglect…
land turned currency
for engines of war,
not harvest,
as the seed
of sovereignty is traded
for steel alliances.
Rise oh tillers
of the earth!…
keepers of life
beneath your nails!
For no nation endures
on missiles alone
while its people are enslaved by hunger.
Let the cry of grain
and the sea’s breath
drown the roar
of foreign guns…
until the fields reclaim
the future taken
by the march of war.
- ••••••••••
Bakal at Abo sa Ibabaw ng Bukirin
Umuugong ang
Balikatan 2026
sa lupang tigang
at sugatan…
Labimpitong libong bota
ng mga berdugo
ay dumadagundong
sa dating palayan…
mga ibong bakal
ay tinatakpan
ang pagmamasid
ng araw sa bukirin
mula sa himpapawid…
habang ang gutom
ay patalim na lihim
na humihiwa sa dibdib.
“Magkabalikat,” wika nila–sa apoy
ng kasunduan
at depensa…
ngunit kaninong balikat
ang pumapasan
ng hungkag
na kamalig?…
araro ay kinakalawang
sa hindi na mabalikat
na presyo ng
langis at pataba…
habang nilulunod
ng kulog ng kanyon
ang hinaing
ng magsasaka.
Mula Zambales
hanggang Ilocos
ang dagat ay
kinakandado din
ng digma…
pinipigil ang laot–hininga
ng mangingisda
ay sinasakal…
Labinsiyam na araw
ng katahimikan sa dating
masiglang pangisdaan,..
at habang minamapa
ng mga heneral
ang tagumpay na nagkait ng makakain
sa batang
kamusmusan ay
inalipin ng gutom…
at ipingangalandakan
ang gerang agresyon
ng imperyalista
sa Iran at Palestina…
ang dating bukirin ay
naging mahabang kampo
ng mga makina, sasakyan at
kagamitang pandigma…
ang binhi ng kasarinlan
ay tutang ipinagkanulo
sa bakal na alyansa.
Bangon o mga anak ng lupa!…mga bantay
ng buhay at ani.
Hindi sa bakal
tutubo ang bansa
kundi sa binhi
ng paghimagsik!
Paalingawngawin
ang tinig ng bukid
at kapatagan
sa dibdib ng
karagatan.
Hanggang ang umaga
ay buong liyab
na mabawi
mula sa bakal na kuko
ng magkalaguyong ganid ng buwitre at uwak!







