“Detention and Defiance Against Dictatorship”
Ipinakilala sa publiko ang bagong libro ni Prof. Jose Maria Sison na may pamagat na Detention and Defiance against Dictatorship na ginanap sa University of the Philippines-Diliman. Dumalo ang marami sa mga kabataan na galing sa iba’t ibang pamantasan at komunidad. Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM). Marami sa mga aktibista noong dekada ’70 ang dumalo sa pagtitipon kagaya nina Dr. Carol Aurollo, Rey Casambre, Daning Ramos, Vicente Ladlad at marami pang iba. Si Luis Jalandoni, Chairperson NDFP Peace Panel, ang isa sa pangunahing tagapagsalita sa okasyon.
Ang Aklat ng Bayan, Anakbayan at Bayan ang nangasiwa sa pagtitipon.
UP Diliman, Quezon City\
December 15, 2014