‘Basher’ ng lider ng Bayan, humingi ng tawad

Binisita ni Gabriel Ilano, may ari ng Facebook account na nagpost ng pekeng kwento tungkol kay Renato Reyes Jr., ang lider-masa upang humingi ng tawad Hwebes ng hapon, Hulyo 26.

Humingi ng dispensa si Ilano sa naturang post at nilinaw nito na na-hack lamang ang account niya at hindi siya ang gumawa. Wala umano siyang galit kay Reyes.

Nagpasalamat naman si Reyes sa matapang na pagharap ni Ilano. Inahayag din nito na may kaukulang kaso ang pwedeng isampa sa kung sino man ang may kagagawan ng pang-hahack at pati na rin sa nagpakalat ng post na ito.

Sa pakikipagtulungan kay Atty. Krissy Conti, nagpasya ang dalawang grupo na magsasampa sila ng kaso sa mga nagpakalat ng kasinungalingan laban kay Reyes para hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari.