Balik-pasada at ayuda, hiling ng mga tsuper
Ginanap ngayong araw, Hunyo 27, ang Araw ng Pakikiisa para sa mga Jeepney Driver. Nagkaroon ng magkakahiwalay na pagbibigay ng ayuda sa iba’t ibang pondohan ng mga tsuper sa Metro Manila.
Pangunahing tinulungan ng Bayang Matulungin, isang proyekto ng Bayan Muna at PagAsa, ang mga tsuper sa Project 3, Quezon City, Samson Road, Caloocan City, at Rizal Ave., Manila. Nasa mahigit isang daan ang kanilang natulungan.
Panawagan ng mga tsuper na ibalik na sila sa pamamasada at bigyan ng ayuda ang bawat isa. Lampas 100 araw na ang lockdown, ganun din ang kanilang tigil-pasada. Kasama ang kanilang pamilya sa mga apektado ng kanilang kawalang-trabaho. (Bidyo nila Jo Maline Mamangun, Jola Mamangun, at Reggie Mamangun)