5-puntong kahilingan, giit sa World Teachers’ Day

Nagdaos ng kilos-protesta ang mga gurong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers para sa World Teachers’ Day noong Oktubre 5 sa Maynila.

Pangunahin nilang bitbit ang 5-puntong panawagan ng mga guro. Kabilang sa mga ito ang salary upgrade, overtime pay, laptops at P1,500 na internet allowance kada buwan, P3,000 inflation adjustment allowance at P10,000 tax-free election service honorarium.

Bukod dito, hiling din nila sa gobyerno ang ligtas na balik-eskwela sa mga lugar na may mababang kaso ng Covid-19.# (Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao)