2020 national budget, hiniling na i-sentro sa serbisyo at kabuhayan
Hiniling ng iba’t-ibang grupo na ilaan sa serbisyong panlipunan at pang-matagalang kabuhayan ang nakasalang na pambansang badyet ng pamahalaan sa susunod na taong 2020.
Sa isang press conference noong Martes, 26 Nobyembre, isiniwalat nila na ang maling paggamit ng pondo ng bayan tulad ng kontrobersyal na hosting ng Southeast Asian Games at maging ang “Build Build Build” program ng administrasyong Rodrigo Duterte na anila’y para lamang sa madalian at di permanenteng ganansiya.
Sa halip, ayon sa mga grupo, ay dapat dagdagan ang badyet para sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, at iba pa. (Bidyo ni Jek Alcaraz/Kodao)