Ulat sa pagbubukas ng ikatlong round ng GRP-NDFP peace talks

Nagbukas ang ikatlong round ng pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines ngayong umaga dito sa Roma at kahapon ng alas-singko naman sa Pilipinas.

Sa kabila ng maraming problemang sumulpot nitong mga nakaraang buwan, nagpahiwatig ng pag-asa ang kapwa panig na mapagkakasunduan ang mga mahahalagang usapin tulad ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms, political and economic reforms.

Listen to the report by clicking the left play button above.