“Dapat pakinggan ng pambansa at lokal na gubyerno ang panawagan ng mga magsasaka. Doble pahirap ang Rice Liberalization Law o RA 11203 at ang pagbagsak ng presyo ng palay. Nararapat lamang ang Php20 na floor price para sa sariwang palay upang matiyak ang kabuhayan ng mga magbubukid. Ang laban para sa pagpapataas ng presyo ng palay ay laban ng lahat ng magsasakang Pilipino. Dapat itong suportahan ng publiko at aksyunan ng gobyerno.” – Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairperson Danilo Ramos




