Saan napupunta ang pondo para sa magsasaka?
Mayroong mga organisasyong pang-magsasaka ang tumatalima sa programang United Nations Decade of Family Farming. Subalit ang tagumpay ng programang ito ay nakasalalay din kung paano ito ipinatutupad ng pamahalaan. Tama ba na tanging mga kinikilala lamang nilang organisasyon at kooperatiba ang binibigyan ng suporta? At saan napupunta ang bilyon-bilyong pondo ng gubyerno na dapat sana ay napapakinabangan ng magsasaka?
Ang kababaihan at ibang miyembro ng pamilya sa pagsasaka
Ang episode na ito sa serye ng diskusyon natin sa United Nations Decade of Family Farming, ating alamin ang pangangailangang kilalanin ang papel ng kababaihan sa pagsasaka. Ano ang pakinabang kung kinikilala ang ibang miyembro ng pamilya sa produksiyon, maging sa mga organisasyon at kooperatiba ng magsasaka?