Saan napupunta ang pondo para sa magsasaka?
Mayroong mga organisasyong pang-magsasaka ang tumatalima sa programang United Nations Decade of Family Farming. Subalit ang tagumpay ng programang ito ay nakasalalay din kung paano ito ipinatutupad ng pamahalaan. Tama ba na tanging mga kinikilala lamang nilang organisasyon at kooperatiba ang binibigyan ng suporta? At saan napupunta ang bilyon-bilyong pondo ng gubyerno na dapat sana ay napapakinabangan ng magsasaka?
Kumusta ang mga organisasyon at kooperatiba ng magsasaka?
[PODCAST] Pakinggan natin kung tunay nga bang may pakinabang ang modelo ng pagtulong ng pamahalaan sa pinaka-malaking sektor ng ating lipunan. Kung mayroon, makabuluhan nga ba ito sa ating hangarin na palakasin ang sektor na siyang nagpapakain sa atin? Kumusta nga ba ang mga organisasyon at kooperatibang magsasaka?
Ang unang dahilan ng kahirapan ng magsasakang Pilipino
Samu’t sari ang suliranin ng mga magsasaka sa Pilipinas. Ang pinaka-batayan: Samantalang mayorya ng mamayan sa Pilipinas ay magsasaka, higit na nakararami sa kanila ay walang sariling lupang sinasaka na makakapag-bigay ng sapat na kabuhayan. Pakinggan ang podcast na ito na maglalarawan kung bakit patuloy na naghihirap ang Pilipinas dulot ng kawalan ng hustisya sa […]