Antoinette Jadaone: “Ang laban ng ABS-CBN ay laban ko rin”

“Ang laban ng ABS-CBN ay laban ko rin. Ang laban ng mga inarestong Pride
protester, kahit ‘di ka man LGBT, ay laban din natin. Ang laban ng mga jeepney driver, kahit ’di tayo driver, laban din natin. Ang laban ng mga aktibista, ng mga OFW, laban natin. DAHIL IISANG BANGKA TAYO.”

‘Bayan Ko’ Community Singing

Bilang pakikiisa sa naganap na ‘No to ABS-CBN Shutdown’ online protest kahapon, Mayo 8, nag-alay ng isang awitin ang mga progresibo mula sa iba’t ibang sektor.