Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison hinggil sa naganap na senate hearing tungkol sa Mamasapano encounter.
February 10, 2015
1. Sa senate hearing kanina, malaking pansin na wala sinuman sa
mga heneral ng PNP, SAF at AFP na nagtukoy na kasama nila sa operasyon sina President Noynoy Aquino at ang US, o kung ang mga ito ay may papel sa Mamasapano encounter. Ano po ang inyong pagtingin sa ganitong kaisipan ng mga kasundaluhan at kapulisan ng pamahalaan?
JMS: Ang US ang nagmamando kay Aquino mismo sa pinakamataas na antas. At si Aquino naman ay sadyang umakto sa labas ng chain of command ng PNP at AFP. Sapat na sa kanya na si Purisima at Napeñas ang inuutusan niya. Siya lang ang makakapagpakilos sa suspendidong PNP chief na Purisima at halos 400 kawal ng SAF nang walang pakialamanan ang PNP officer in charge na si General Espina.
Si Aquino at Ochoa ang madalas na may contact sa mga Amerikano na nasa Joint Staff. Nasa US drone command base sila sa Zamboanga City. Lantaran ang pakialam ng US sa Oplan Wolverine o Exodus. Binalak at ginawa ang oplan sa balangkas ng tinaguriang war on terror ng US. Ang US ang naghahabol kay Marwan at may alok pang malaking reward money. Merong US drone na nagsubaybay sa assault team. May Amerikanong namatay sa operation. At Evergreen helicopter ng CIA at mga American officers ay kitang kita sa retrato ng retrieval operation sa mga patay at sugatan ng SAF.
(Photo/Gen.Napenas/Interaksyon.com)