Posts

Sitio San Roque: Bigas hindi dahas

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City ng isang maikling programa. Ito ay matapos na pagdadamputin at ikulong ang 21 na residente ng nasabing lugar dahil sa isinagawa nilang kilos-protesta.

Naganap noong Abril 1 ang kilos-protesta ng mga residente ng Sitio San Roque na myembro ng Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SaMaNa). Ang panawagan ng grupo ay bigyan sila ayuda. Simula pa noong Marso 15, pagsisimula ng lockdown, wala pa ring nakukuhang tulong ang mga nagprotestang residente mula sa pamahalaan.

Kinundena ng KADAMAY ang nangyaring marahas na dispersal. Ang mga myembro rin nila mismo sa Sitio San Roque ay nananawagan din ng tulong mula sa gobyerno. Binigyang-linaw din nila na hindi nila myembro ang mga nagprotestang residente.

Bidyo nila Jola Diones-Mamangun, Arrem Alcaraz, Joseph Cuevas, Sanafe Marcelo, Jo Maline Mamangun, at Reggie Mamangun

Music: News – AShamaluevMusic.
Music Link: https://youtu.be/0uoc-FiwMD4