Posts

Protesta ng LGBT sa Mendiola, marahas na binuwag

Umabot sa 20 na lumahok sa taunang Pride March ng Lesbian Gay Bisexual at Transgender group na Bahaghari ang hinuli matapos na marahas na buwagin ang kanilang protesta sa Mendiola, Hunyo 26, 2020.

Pahayag ng Bahaghari spokesperson Rey Valmones-Salinas na mapayapa ang kanilang aktibidad at sinusunod ang social distancing dahil sa pandemya subalit hindi nagtagal ay sinugod sila ng mga pulis at hinuli kabilang na ang mga driver ng kanilang sasakyan.

Nakadetine ngayon sa Manila Police District ang mga nahuli. (Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao)