Posts

Bahag ang buntot

Tula ni Ron Magbuhos Papag

 

Bahag na ang buntot ng asong ulol

Dati lahat ay inaangilan, kahol ng kahol

Ngayo’y bumubula ang bibig at umaalulong

Nambu-buladas kung hindi nagmamaktol

 

Hoy, tuta, bistado na ang iyong istilo

Istayl mo bulok, istayl mo bulok!

Hoy, tuta, bistado na inyong gubyerno

Gubyerno niyo bulok! Gubyerno niyo bulok!

 

Nagkukunwang kaliwa at makabayan

Isa daw sosyalista at maka-mamamayan

Habang hina-hagupit ang taumbayan

Pinapatay ng walang pakundangan

 

Reporma at pagbabago, ipinagsisigawan

Galit sa mayayaman, negosyante at dayuhan

Habang sakmal tubo ang negosyanteng gahaman

At patuloy ang pangangamkam ng lupa’t likas yaman

 

Huwag paloloko sa pangakong pagbabago

Ng isang doble-karang tuta’t berdugo

Huwag palilinlang sa salitang mababango

Ng presidenteng himod-pwet sa dayuhang amo

 

 

Gabi ng Lagim (Tabi-tabi Po)

Ni Ibarra Banaag

Saklot ng takot ang taong bayan.
Nilamon na ng dilim ang katwiran.
Nayungyungan ng itim ang liwanag
Sanhi ng mga budhing tampalasan.

Mananalasa muli ang mga aswang.
Sisipsipin sa sinapupunan ang buhay.
Wala ng isisilang na mga sanggol.
Tanging Inang iniwang humahagulgol.

Maglilipana sa kalye ang tikbalang.
Ng walang takot at may kahambugan.
Upang paslangin sa lansangan.
Mga batang walang kinalaman.

Maghahasik sa lupa mga bampira.
Sasaklutin mga ligaw na kaluluwa.
Sa gayo’y makalikha ng banta sa madla
At mamamayang takot at umid ang dila.

Lilipad na muli ang Babaeng Puti.
Sa mga liblib na sityo at iskenita.
’Wag subukang dumungaw sa bintana.
Kung natatakot na bumulagta.

Dadapong dagli ang manananggal.
Sa bubong na pawid, bintanang sawali.
Bilog ang buwan at walang bituin.
Bingi ang langit sa langitngit ng gabi.

Ngayong may nagbukas na ng banga.
At bendisyon ng oligarkiya.
’Wag magsumbong sa mga pulis.
Pagkat sa Kongreso nagkukweba!

Sadyang sila’y makapangyarihan
Datapuwa’t di para sa taong bayan.
Dahil kakampi ay kadiliman.
Pinakawalan ang halimaw!

Ang Mga Hirang

Gospel Poetry by Ferdinand Ong Dimarucot

 

Nilagot ang Tanikalang

Tumatakip sa Sansinukob

Naglagablab mga Tanging

Himig sa Bawat Sulok

Kinubkob ang Sigalot

Nalagot!

Ang Ukol sa katampatan

Karapatan at Suhol!

Sinakop bawat Kalsada

Himutok ng Bawat Uri

Lahi at Lipi Sininop!

Umagos ang Tuwirang

Daloy…..Saksi paglagom

Tagumpay ng Pagtatasa

Haplos ng Nagdaan

PagAsa ng Ngayon!

Nakakabighaning Kirot

Umaani ng Libong LIKOM!

Nananaganang Panaghoy

Nagsisimpan Ng Dami ng Tao!

Mga batingaw ng Balangiga

Tula ni Jose Maria Sison

 

Sabay sa repike, hudyat na malinaw

Ng mga batingaw ng Balangiga,

Sa dibdib ng bayan umalingawngaw

Ang nasang lumaban at lumaya.

Sinugod ang banyagang halimaw

Ng taumbayang nagbalikwas

Laban sa pananakop at pag-agaw

Sa kalayaan ng mahal na bayan.

 

Ang halimaw nagpasyang manira

Sa lahat ng pamayanan,

Sinunog ang mga tahanan.

Tinipong parang hayop ang mga tao

Pinahirapan at pinaslang

Ang kalalakihan sampu ng mga bata

Ginahasa ang mga kababaihan

Dinuro ang matatanda.

 

Inakyat at kinulimbat mula sa tore

Ang mga batingaw ng Balangiga,

Itinawid sa malawak na karagatan

Upang bihagin ang mga ito sa kuta

Sa kalooblooban ng imperyo.

Ipinagmamalaki na tropeo

Ng paglupig sa ibang bansa

At paglapastangan sa kasarinlan nito.

 

Ilang salinglahi na ang dumaan

At nanatili ang mga batingaw

Bilang bihag sa ibayong dagat.

Nais sikilin ng imperyalista ang tunog

Subalit lagging umuugong ito,

Umaalingawngaw sa sa puso’t diwa

Ng taumbayang patuloy sa pakikibaka

Para sa kanilang kalayaan.

 

9 Agosto 2009

 

Mula sa aklat ng mga tula, The Guerilla is Like a Poet

(The Hague, Ujtgeverij, 2013), pahina 201-203

Photo by Davao Today

Peace consultant reads poem on freedom of political prisoners

Natuional Democratic Front of the Philippines peace consultant Tirso “Ka Bart”Alcantara reads his poem “Pangako ng Kalayaan” at the Laya event held at Bamboo Intramuros, Manila on December 3, 2016.

The event was organized by the people’s rights alliance Karapatan to call for the release of all political prisoners.

Read more

Postcard from Holland

(To Ka Presy, My Captive Comrade-Wife)

 

Sweet kisses and warm embraces

From me, here in a far away land

Of bicycles, canals and windmills.

I’m sorry to say

There are no mountains here

To scale, but only flatlands to thread.

Yet there are tulips and sunflowers blooming

And flocks of birds flying freely.

 

What scenery to behold!

But then, often suddenly,

Pain pinches my heart

For I remember you

My beloved captive comrade-wife

And four hundred and thirty more–

Comrades in various cages still

Across our country fondly dubbed

By lording foreign pirates

And their local quislings

As the “Pearl of the Orient Seas.”

 

Oh, how happy would I be

If you and other comrades

Would soon be free

Like these flocks of birds

Freely flying, measuring

The boundless blue sky.

 

                            — Ruben Abenir Saluta

                                      Revised from earlier version

                  13 October 2016

                                 Utrecht, The Netherlands

(The poet is a National Democratic Front of the Philippines Negotiating Panel consultant. He was a political detainee.)

Poet, journalist, teacher Rogelio Ordoñez dies

Prof. Rogelio Ordoñez died this morning due to a lingering liver ailment. He was 76 years old.
Read more

POETRY: Apat na tula hinggil sa Kidapawan

1. Tuwid ang daan ng kanilang bala

Ang balita mula sa malayong rehiyon
Paparating ang kandidato ng administrasyon
Ayaw mapahiya ng mga kapartido
Kailangang mawalis ang daang Cotabato.
Ang ulat ng lider pesante
Nagreklamo raw ang mga negosyante
Dahil sa tumatagal na protesta
Humina na ang kanilang kita.
 –
Tatlong araw nang nakabarikada
Anim na libong magsasaka
Nagugutom kaya nangagsiaklas
Para sa iilang kaban ng bigas.
 –
Tila mas mura ang bala
Ang kita ay mas mahalaga
Kaysa tumugon sa panawagan
Ng gutom na mamamayan.
Ano bang putahe itong karahasan
Anong lasa ng tingga sa lalamunan
Bakit laging hain ng pamahalaan
Sa gutom ay kamatayan?
                                   –3:04 n.h.
                                     1 Abril 2016
                                    Lungsod Quezon
2. Kidapawan sa aking gunita
Anong halaga sa akin nitong pagsilim
Paano makakatulog, paano mahihimbing?
Ngayong panahong sakdal dilim
Ako’y tila binabangungot ng gising.
                                   –1:16 n.u
                                     3 Abril 2016
                                    Lungsod Quezon
3. Sako
“Wala pay sulod akong sako, ‘Nay.”—Yenyen, apat na taong gulang, Kidapawan
Mahalaga ang sako sa magbubukid
Telang tikling namin itong ibinabalikat
Buntis na putong ng aming ulong pawisan
Buhay sa hinabing hibla nito ang isinisilid.
Itong sako’y maaring lamnin
Milyon-milyong butil ng palay
Daang libong butil ng mais
Daan-daang talong o iba pang gulay
Dose-dosenang kamote
O kaya’y isang malaking bunga ng langka.
Sa oras ng pahinga’y aming duyan
Sa pagpapastol ng kalabaw ay aming sapin
Sa oras ng pagtulog ay banig
Sa oras ng unos ay aming bubong
Sa kasalatan ay aming damit.
Ang busog na sako’y tanda ng pag-asa
Ang walang-lamang sako ay dalita
At sa lipunang hangad naming lumaya
Sa pakikibaka ay aming bandila.
                                            –1:30 n.h.
                                               11 Abril 2016
                                               Lungsod Quezon
4.  Ang pahimakas ni Ebao Sulang
Alam nila, alam nila
Sinong hindi nakakaalam na tigang ang aming bukirin
Hindi ba’t bahay-gagamba na ang mga bitak ng lupa?
Pagmasdan mo ang maisan, nagkulay-kalawang bago pa mag-alay
Walang pinatawad ang tag-tuyot, walang dasal na dininig.
 
Isinuot ko ang pusyaw-pula kong sumbrero at inaya ang aking anak
Dumulog sa kinauukulan, nagbabakasakali ng habag
Uusal ng panalangin sa namamanginoong mortal
At baka naman siya, sila, ay makinig.
Dahil alam nila; alam nila dapat.
 
Bigas ang aming hiling.
Tiyak akong kami’y didinggin at kami’y uunawain.
Sino ba sa atin ang walang bitukang kailangang malamnan kahit paminsan?
Sila, kami, tayo ay mga likhang may tiyan
Magkaiba nga lang: ang ami’y impis, ang kanila’y busog.
 
Hinapagan kami ng batuta’t bala.
Pagdaka’y hinanap ko ang aking anak.
Walang nakakaalam kung saan naroon. Wala, wala.
Nang matagpua’y ang tanging karamay ay ang aking pusyaw-pulang sumbrero
Lamukos sa aking kamao.
 
Umuwi akong may pasang mabigat
Ang aking anak ngayon na’y bangkay.
Pagmasdan mo ang kanyang lamay na napapalamutian
Ng kartolinang bulaklak.
Ang kabaong naming mahihirap ay tanging iyan ang gayak.
 
Sa iyong nakikiramay ako’y may hiling
Sa namamanginoon ay pakiparating
Dapat nilang malaman; malaman nila dapat
Sila ang dahilan nitong lagablab.
                                                   -7:09 n.g.
                                                    11 Abril 2016
                                                    Lungsod Quezon
Raymund B. Villanueva