Posts

WHICH SHALL COME AHEAD?

By Jose Maria Sison

Which shall come ahead?
The blazing of forests,
The thawing of icebergs,
The rise of oceans,
The drowning of cities,
The parching of the land,
The whimpering death?

Which shall come ahead?
Sudden fright at the big burst,
Mushrooms in the sky,
Blinding light in a trice,
Before the endless night
Under the seamless fog,
The freezing of the land?

Which shall come ahead?
The endless rule and lure of greed,
The cycles of boom and bust,
The captive flow of blood and sweat,
The ruin of the greenscape,
Or the breaking of chains
To end myths of the endless?

Which shall come ahead?
The rise of the human spirit,
The liberation of the oppressed,
To smite the vile sources
Of greed, wars and plunder
To end the absurd choice
Of calamity to doom all humankind.

 

ALIN ANG MAUUNA?

Alin ang mauuna?
Ang pagliyab ng mga gubat,
Ang paglusaw ng mga yelong bundok,
Ang pag-ahon ng mga karagatan
Ang paglunod ng mga lungsod,
Ang pagtigang ng kalupaan.
Ang maungol na kamatayan?

Alin ang mauuna?
Biglang takot sa pagsambulat,
Mga kabute sa kalangitan,
Saglit ng makabulag na liwanag,
Bago ang gabing walang hanggan
Sa ilalim ng walang siwang na ulap,
Ang pagyelo ng kalupaan?

Alin ang mauuna?
Laging paghari at tukso ng kasakiman,
Mga siklo ng paglobo at pagsabog,
Ang binihag na daloy ng dugo at pawis,
Ang pagwasak sa luntiang tanawin,
O ang paglagot sa mga tanikala,
Nang wakasan ang mga mitong walang hanggan?

Alin ang mauuna?
Ang pagtayog ng makataong diwa,
Ang paglaya ng mga inaapi,
Upang bigwasan ang mga imbing bukal
Ng kasakiman, digmaan at pandarambong
Nang wakasan ang balighong pagpili
Ng kalamidad na tatapos sa sangkatauhan.

             —Utrecht, October 16, 2018

WHICH SHALL COME AHEAD?

By Jose Maria Sison

Which shall come ahead?
The blazing of forests,
The thawing of the icebergs,
The rise of the oceans,
The drowning of cities,
The parching of the land,
The whimpering death?

Which shall come ahead?
Sudden fright at the big bang,
Mushrooms in the sky,
Too much light in a trice,
Before the endless night
Under the seamless fog,
The freezing of the land?

Which shall come ahead?
The endless rule and lure of greed,
The cycles of boom and bust,
The flow of blood and sweat,
The ruin of the greenscape,
Or the breaking of chains
To end myths of the endless?

Which shall come ahead?
The rise of the human spirit,
The liberation of the oppressed,
To smite the vile sources
Of greed, wars and plunder
To end the absurd choice
Of disaster to doom all classes?

Utrecht, October 13, 2018

Oras Na

ni Rene Boy Abiva

 

Dinggin mo ang bulong sa bayan na yaon-

ang nakatutulig na iyak ng mga sanggol na gutom at uhaw

ang animo’y kulog na lumagapak na atungal

at alulong ng mga inang balo

habang nakaluhod sa harapan ng mga batong santo at kahoy na krus.

 

Nawa’y sa pagdampi ng katotohanang ito’y mabuo ang ‘yong pasya

na lipulin ang mga galamay ng Haring Pugita

gayundin ang patuyuin ang bukal ng kanilang ubod nang itim na kaluluwa.

 

Nawa’y sa pagsanib ng naipong himutok at himagsik sa ‘yong kaibuturan

ay mahanap mo ang ‘yong sarili sa piling ng mga laging api.

At kung mangyari man ‘tong ganap ay oras na

upang ika’y gumising sa dati mong kabaliwan

na ang hangganan ng mundo’y nagtatapos lamang

sa abot-tanaw ng ‘yong hubad na mata.

 

Oktubre 8, 2018
Lunsod ng Queson, Maynila  

Agaw Agimat

ni Rene Boy Abiva

 

Kayong lagpas dekada nang binubusabos

piniga’t pinatiwatiwarik hanggang sa dumausdos

at malagutan ng buhay

at damputi’t itapon sa libingang tila bangin

ang bangis at lalim.

Lagpas dekada na rin pala

nang mapangahas n’yong tahakin

ang ipinagkait sa inyong mga tanawin,

ang lahat ng imaheng abot ng inyong paningin

kabilang ang dalumoy na lumalambitin

sa ngala-ngala ng papawirin.

 

Ah, lagpas dekada na rin pala

nang ang dating kinatatakutan n’yong mga pangitain

ay inyong naitaboy

nang sama-sama n’yo itong dinaluhong

sa gitna ng mga nagbabagang gabi.

 

At kayong lagpas dekadang dinusta

ng uring tuta ng Amerika,

bigkisin n’yo ang inyong paglilirip

at tibayan ang hanay

nang sa daluya’y inyong masilip

ang kasaysayang naghihintay

at kailangang masagip:

mapalaya ang lupa

at mundo sa kapital at makina.

 

October 5, 2015
Ifugao District Jail
Kiangan, Ifugao

Ang inyong matatamis na ngiti

Ni Ibarra Banaag

 

Sana’y di nagkamali sa treno’ng inyong sinakyan.
Nakakaaliw man at nakakabingi ang hagikgikan.
Ang sumakay ay di libre bagkus ay babayaran.
Ng buwis at inutang sa kawatang dayuhan.

Sana ay may preno ito sa pag-arangkada.
At ng di rumagasa sa mga barong- barong.
Malimas, madambong, pilak, gas at ginto.
Habang pinapatag matatayog na bundok.

Hiling ko sa pasahero ng Train 1 at 2.
Dumungaw naman kayo sa bintana ng bagon.
Masdan ninyo ang pumipila sa palabigasan.
Habulin niyo ng tingin ang mga Inang luhaan.

Sana’y maalimpungatan sa liliw ng bangungot.
Hindi dilaw ang buhay at dugo na nangalalagas.
Hindi pula ang naghahangad ng pagkawasak
Kundi ang uring sumasaklot sa katarungan.

Sa tuloy tuloy na pagragasa ng inyong tren.
Hindi lang puno ang nabubuwal kundi buhay.
Hindi lang ilog ang natutuyo kundi lalamunan
Hind lang burol ang napapatag kundi komunidad.

Hindi kalaban sa politika ang nakukulong.
Ang nasa piitan ay demokrasya at kamangmangan.
Hindi katungali sa eleksyon ang nasa bilibid.
Kundi ang kalayaan sa isang makatarungan lipunan.

Ako sa inyo ay may isang panalangin.
Na ‘wag maunsyami ang inyong pagbubunyi.
Kung kayo na ang biktima ng panggigipit.
Tumimbwang at sabihin kayo’y nanlaban.

                  –Setyembre 26, 2018

Banwar / Bayani

Ni Rene Boy Abiva

 

Banwar

 

Maysa malem nga naglabas

permi dung-aw ni Rosas

mabalin siguro nga nalagip na

dagiti annak na nga immadayo

dagiti annak na nga nagsakripisyo

dagiti annak na nga nangidaton iti biag

dagiti annak na nga iti maysa nga puyot ti paltog

ket naburas kasla nasam-it nga ubas ken mansanas.

 

                                                                      Setyembre 9, 2018

                                                                     Syudad ti Kabanatuan, Nueva Ecija

 

Bayani

 

Isang hapon

panay ang tangis ni Rosas

maaari siguro na kanyang naaalala

ang kanyang mga anak na nalayo sa kanya

ang kanyang mga anak na nagsakripisyo

ang kanyang mga anak na nag-alay ng buhay

ang kanyang mga anak na sa ‘sang ihip ng baril

ay naani na gaya sa matamis na ubas at mansanas.

 

 

                                                                            Setyembre 9, 2018

                                                                           Lunsod ng Kabanatuan, Nueva Ecija

‘Tu Pug Imatuy?’

ni Rene Boy Abiva

 

Kung sukdulan na ang pagka-alipin

mainam pa’y tupdin

ng kaluluwa, bisig at kamao

ang pinakamatayog na tungkuin

ng bawat tao

sa mundo.

 

‘Sing linaw ng tubig sa bukal

ang utos ng Maykapal

sa Lumang Tipan

na ang tanging kabayaran

sa lahat ng lumalapastangan

sa tao, hayop at kalikasan,

sa buong santinakpan

ay ‘alang iba kundi kamatayan.

 

‘Sing talas ng palaso ni Achilles

ang katwiran ng mga Dakilang Pantas

sa ating kasaysayan.

Naririyan si Rousseau ng Pransya

si Locke ng Britanya

si Lincoln ng Amerika

at si Marx ng Alemanya

o ng sarili nating si Rizal ng Calamba

Bonifacio ng Tondo

Datu Paking ng Lake Sebu

at Parago ng Paquibato .

Na kung ganap naman nang tinalikdan

ng mga nahalal at naatasang mamuno

sa yaman at lakas ng buong bayan

ay nangagsipagtaksil sa taumbayan,

marapat ang mag-aklas!

at sila’y patalsikin,

usigin,

hulihin at litisin silang mga taksil

at iharap sila sa tunay na hukom

at ipatikim at iparanas sa kanilang kaluluwa

ang kabayaran ng kanilang kataksilan:

‘sang mapait na kamatayan

sa ngipin ng panabas at guillotine. 

 

‘Sing tatag ‘to ng paninindigan ni Ka Simon

umaalimbukay at nagniningas na gaya sa ‘sang pugon.

 

Agosto 14, 2018

Lunsod ng Queson, Maynila

 

*ang salitang Tu Pug Imatuy ay mula sa wika ng mga Lumad ng Mindanao na ang ibig sabihin ay The Right To Kill.

UP launches Jess Santiago’s book ‘Usapang Kanto’

Jess Santiago, iconic progressive singer and multi-awarded poet, sings one of his most beloved songs “Laging Ikaw” at the launch of his book “Usapang Kanto” at the University of the Philippines Main Library last August 28.

A collection of ‘Koyang’ Jess’ columns in various publications written as poems, the book contains about 200 pieces that comments on important social issues at the time of their writing.

“Usapang Kanto” was among the several books launched by UP’s Sentro ng Wikang Filipino as part of its observance of Buwan ng Wika this month. (Video by Raymund B. Villanueva with Joseph Cuevas)

Sigaw

Ni Raymund B. Villanueva

 

Andres,

 

Ilabas ang sundang!

Hasain, hasaing mainam, hasaing mabuti

May susuunging labang muli!

Tagpasin ang mga sinungaling

Tagain ang mga magnanakaw

Naglipana sila’t tila dumarami!

 

Sa isang daang milyong bunganga

Na maaring gawing bisita—

Diyos na mahabagin–

Sa araw na kayo’y ginugunita

Bakit naman isang dalahira

Ang panauhi’t tagapagsalita?

 

                                 -6:02 n.g.

                                 22 Agosto 2018

                                 Lungsod Quezon

Ang huling pagtula ni Rogelio Mangahas

Ang tulang “Paggunita sa Sitio Bawit,” ang pinakahuling tulang binigkas ng makatang si Rogelio Mangahas noong paglulunsad ng isang libro sa Universidad ng Pilipinas noong ika-16 ng Hunyo 2018.

Si Roger Mangahas ang isa sa ama ng makabagong panulaan sa bansa at kinikilalang higante ng panulat ng bayan.

Siya ay pumanaw noong ika-4 ng Hulyo 2018.