POEMS FOR RICHARD GAPPI
Who recites for the poet gone?
By Rebecca K. Lawson
Words fall short
as teardrops fall
for another poet
too soon gone.
Brilliance
still glows
as storms of imagination,
illuminating
truth and empathy
facts and relevance
with that certain stardust
in the tip of the pen
of one most talented
who awakened
our souls
and opened our eyes
with a poet’s lens.
Farewell, dear friend.
We feel you still.
Tears reverberate,
cascading sorrow
to balm that space
where poets
grieve.
Ganito Kita Nakilala
Ni Pia Montalban
Nakahasa lagi ang iyong mga akda
Handang tumagpas sa mga tampalasang
Humahabi ng kaapihan sa kanayunan
Para sa iyo ang mga taludtod at saknong
Ay mga sundang, kampilan, at gulok
Na mananabas ng pagsasamantala
At pigura ng wika ay nasa mga bisig
Ng mga nagpapagal
Para may pagkain tayo sa lamesa
Malutong ang iyong mga putang-ama
Asido ang mga talinhaga
Lason sa mga nagpapahirap sa mamamayan
Hindi naghahanap ng mga sukat at tugma
Basta laging linyado ang bawat mong linya
Sumasagot sa ating mga “para kanino?”
Tumitindig para sa wasto at totoo
Tapat na mamamahayag ng mga pangyayari
Kaibigan at kakampi ng mga api
Ganito kita nakilala, Gappi.
PAMAMAALAM
Para kay Richard Gappi
Ni Raymund B. Villanueva
Wala nang bagong tula
Pumanaw na ang makata.
Wala na ang nagpamangha
Ng hinabi-habing salita
Na kurot-puso’t haplos-kaluluwa.
Wala na ang makata
Iwan ang biglang lumang tula.
2:03 nh
16 Hulyo 2022
Liwasang Rizal, Maynila