Posts

LAHAT NG INA’Y AKTIBISTA

(Para kay Nanay Mameng)

Ni Katrina Yamzon

ang lahat ng ina’y aktibista.

walang papantay sa tapang niyang angkin.

nang siyam na buwan ika’y kanyang dalhin.

wala nang hihigit sa hapding kanyang tiniis,

marinig lamang una mong munting pagtangis.

inihele ka ng palabang himig

ng kanyang mga oyayi at kundiman,

habang ika’y nahihimbing

sa pag-ugoy niya ng iyong duyan.

gumabay siya sa bawat mong paghakbang,

lumalaban sa balakid sa iyong daraanan,

tumutuligsa sa iyong bawat mga kahinaan,

umuunawa sa bawat mong pakikipaglaban.

kakayanin niya ang lahat.

gagawin niya ang lahat.

kahit pa ang

pumatag ng bundok,

tumangan ng armas,

bumago ng sistema,

magpalaya ng lipunan

para sa anak na pinag-aalayan

ng buhay nito’t kamatayan.

ang lahat ng ina’y aktibista,

na umiibig

kaya’t nakikibaka.

Aswang. Lianga

By Tyrone Velez

I. 2015

The forest emerald faded

and red the valley turned

as embers devoured the commune

The dawn cracked with bullets

on the heads of two datus

and a blade slashed Emok’s neck

Wails echoed across Andap

walls shake

this village school

Forest leaves snapped off

and embrace the blood-soaked soil

Blood red the sun

the busaw* howls

the tribe departs

a season of blood

II. 2021

A year of pandemia

but other things can kill

the Manobo girl dreams

of dances and harvests in their fields

but as abaca leaves were gathered

she and her family were collected

by bullets laced

with words of the busaw

smash their inner bodies

rape their lands for the coffers

the nightmare sets in again

as their blood cries for Magbabaya**

*in Lumad folklore is a being that eats or attacks people

**deity

Wag pahiran ang luha sa pisngi

Wag niyo nang itanong ang bakit,

ba’t buhay nila”y isa-isang kinikitil.

hangarin niyo, pa’no siya nabuhay,

silbi’t kabuluhan na sadyang inalay.

Wag niyo ng sabihin na nasasayang,

dunong na ginugol sa sambayanan,

Sa halip, siyasatin landas na tinungo,

bakit ang paglaban ay nagpapatuloy.

Wag niyo na sanang siya’y tangisan,

pagluha ay isa lang panghihinayang.

Kung pumpon lang ng galit at sigaw,

di dadamputin nalaglag na balaraw.

Wag niyo na siyang ihatid sa libingan,

kung pagluluksa’y siya rin tatalikuran.

Luha’t hibik ay hahayaan lang matuyo,

kapag tumila na’t humupa ang siphayo.

Wag niyo na siyang alayan ng awitin,

o tula at anumang pulang talumpati,

kung tulad niya’y di mangagsisidami,

at makapaghiganti nagpipiglas na uri!

Kaya kasama, wag na, wag na lang!

Wag na lang pag silakbo’y lulugo-lugo,

At galit ay maiiwan sa matang mugto,

Kung ang pananalig ay ‘yong isusuko!

Ibarra Banaag

Mayo 11, 2021

Tulang alay para kay Ka Joseph Canlas

Pag-agaw ng Hininga

Covidtula ni Joel Costa Malabanan

Ika-10 ng Mayo, 2021 sa ospital

Bawat agaw ng hininga ay pasusumamo sa langit;

Ika’y mortal, at ang lahat maglalahong isang saglit;

Dumikit na dumi sa saluwal sa mabilisang pagluwal

Pagbabalik sa kabataang walang alam, walang muwang!

Bawat ubo’y may kapalit na hampas sa iyong dibdib

Papanawan ng ulirat kapag hindi ka kumapit;

Yaong nag-iingat naman akalain mo na dapuan?

Hindi biro ang ganitong pagsubok ng kapalaran.

Buti na lang, may cheering squad ako sa labas ng ospital

Asawa’t anak, kapwa guro, kaibigang nagmamahal;

Panalangin, paalala, mensahe ninyo’y nabasa ko

Higit na makabuluhan kaysa isang 0rbiruwaryo!

Ang tunay na kaibigan, malayo man o malapit

Higit na maaasahan sa panahong nagigipit!

Ang Community Pantries at ang Alamat ng Sampalok

Ni Joi Barrios

Ang alamat ng sampalok

ay kuwentong tungkol sa pagdaramot.

May matandang babaeng ayaw

magbigay ng balat ng kahoy na panggamot

sa nangangailangang kapitbahay,

kung kaya, siya raw ay isinumpa.

At nang bumagyo, ang ilog ay umapaw

at tinangay ng baha ang puno,

na kung saan-saan tumubo.

Ang kuwento ng sampalok ay alamat

ng puno na naging panlahat.

Sa nayon, at kahit minsan sa kalunsuran

Hangga’t maaari ay hindi tayo bumibili

ng maliliit ang dahon na ipalulutang sa sinigang.

Hinihingi natin ito sa kapitbahay

tulad ng kayraming sagana ng iba:

aratiles, sineguelas, at makopa, na bihira sa pamilihan

dahil nakasanayan na ang pagbibigay

at ang pagtanggap ng biyaya.

Ganito rin ang tulungan sa ating mga pamayanan.

“Magbigay ayon sa makakayanan,

Kumuha batay sa pangangailangan.”

Ang sampalok na maasim

nabibigyan din ng alat at tamis.

Ang nagmamasama sa mabuting gawa,

Tiyak na may budhing anong itim, anong lupit.

Ika-20 ng Abril 2021

*Oblatio vitae

(Para kay Nelinda ‘Sr. Mary Francis’ Añover)

Ni Raymund B. Villanueva

Taym pers, hintay naman sana

Sa dami ng maari nang mauna

Bakit ito pang si Nelinda

Ang inaya Mong maaga?

Taym pers, nalimot Mo yata

Ang dasal ng mga aba

Ng katutubo’t magsasaka

Si Francis ay makapiling pa?

              Ang madre ng kapwa bukid at kumbento

              Ang tawa’y tila batingaw ng kampanaryo

              Ang relihiyosang matapang sa harap ng sundalo

              Nagro-rosaryong nakataas ang kamao.

Taym pers, padalos-dalos Ka

Langit nama’y makakapag-hintay pa

Sa rami na nilang Iyong kasama

Pinauwi Mo ang isa pang santa.

                                -2:26 n.h.

                                 11 Abril 2021

                                Lungsod Quezon

* Latin ng ‘Alay na Buhay’

Sa ngalan ng iyong duguang baro

(Alay kay Dandy Miguel)

Ni Raymund B. Villanueva

Domingo de Palaspas nang ika’y patayin

Ng mga kalul’wang ‘di marunong mangilin

Akala ba nila’y kayang paslangin

Ang paninindigan mong maningning?

Tulad nila ang mga sundalo

Ng demonyong imperyong Romano

Ikaw nama’y tulad ni Kristo

Obrero, sugo’t rebolusyonaryo.

Kung ang kay Hesus ay katubusan

Oremus din ang iyong panawagan

“Sahod, trabaho at karapatan

Ipaglalaban, hanggang kamatayan!”

Tigmak ng dugo ang iyong baro

Binutas ng walong punglo

Bantay sila’t maniningil tayo

Maka-uri ang ating apokalipto.

-9:19 n.u.
29 Marso 2021
Lungsod Quezon

Habang sila ay nagsasalo-salo

Ni George Tumaob Calaor

May salo-salo sa gusali ng pangulo

may litson may birthday candle pang ibino-blow…

habang sa kabiserang banda ng bansang Pilipino

nagkukumahog sa pangamba ang mga tao…

muling ipapatupad ang ECQ

nang walang karampatang pag-aaviso…

tiyak maraming sikmura ang sa gutom ay mangungulo!

Ina…

may sanggol kang mangungulit ng gatas sa iyo…

Ama…

may asawa’t mga anak kang umaantabay sa pasalubong mo…

Mag-aaral…

malinaw pa ba ang iyong paningin

sa mga aralin sa online class mo—

may load pa ba ang internet mo—

mababasa mo pa ba ang modyul mo?

Manggagawa…

sapat pa ba ang kinikita mo—

kumusta na ang trabaho?

Magsasaka…

berding uhay ng ginintuang butil pa ba

ang kumakaway sa palayan mo?

May salo-salo sa gusali ng pangulo

may litson birthday candle nito’y ibino-blow…

sa Canlubang, Laguna

ang Pangalawang Pangulo

ng PAMANTIK-KMU…

pinagbabaril

at sa tinamo

ng tamang walo!…

marahas na binawian

ng buhay ito!

#DutertePalpak

#OUSTDUTERTENOW

Paano kinikilo ang pag-ibig?

By Pia Montalban

Kinikilo muna

ang pagkakamali,

hanggang sa huling guhit

ng bigat, ginuguhitan

ang hangganan at pagitan

ng lisya at kuwenta.

Ang kilo ng pag-ibig

ay ang tapat ng timbang

ng bawat pagkukulang,

na dinodoble ng sampung ulit,

o higit-higit pa,

hanggang ang bawat kahinaan,

wala nang timbang

sa bumibigat na pagmamahalan.

A new and novel way indeed – and heed

from HBC’s The InComplete Sonnets

(Sonnet based on this Kodao news report: As floods devastate Luzon, cellphone load becomes disaster relief)

7
a new and novel way indeed – and heed
this well – for in the face of tragic signs
one can well count on some within the breed
who find flood victims in their helpless lines.

some offer cellphone load, it's quite relief
this, one way there to help beyond a doubt
the typhoon victims down, down in their grief
from nasty blasting typhoon's* ruthless clout.

one offered fifty pesos worth of load,
of cellular load to the ones in need
within his own community** – a broad
phrase that could help the ones in piteous bleed.

alive the bayanihan spirit is
which puts community in heights of bliss.

= = = = = =

*Ulysses, the 21st to hit the Philippines this year.

**Michael Ramos Pagulayan has offered to send P50worth of cellular load to those who need them in his home community of Auitan, San Pablo, Isabela.1625-1632; Nov. 14, 2020, Saturday.