Posts

Striking workers are parents too

By Sanafe E. Marcelo

Photo by Sanafe Marcelo/Kodao

“I will do everything to send my children to school. I do not want them to experience this kind of difficult work,” said Marifor Busadre, 32, a mother of four and a contractual worker of Peerless Manufacturing Company (Pepmaco) for three years running.

Mariflor endures all kinds of pain at work, such as skin rashes because of direct contact with strong chemicals used for the manufacture of Pepmaco’s detergent products such as Champion. As a packer, she received P375 per day including overtime work. Her wage, way below the mandated minimum, is not enough to feed her family and it is a daily struggle to keep aside money for their other expenses such as her children’s school supplies. Her eldest is in high school.

Being a contractual worker worries her no end. “I joined this strike to fight for our rights. I am getting old. I hope that the management will grant our demand to make us regular workers and allow us back to work,” she said.

Marifor and dozens of other Pepmaco Workers Union members launched their strike last June 24. Aside from poor pay and being kept as contractual workers, they also complain of dire working conditions.

Photo by Sanafe Marcelo/Kodao

Like Marifor, Christine Sudoy, 22, is a three-year contractual worker, a mother and her family’s breadwinner. “I am worried that I can’t support the financial needs of my family. I am also worried for our health safety and work security,” Christine said, explaining why she too joined the strike. Christine said they often feel they were not being treated as humans, but as work animals and machines.

The company, she said, ordered them not to use gloves in handling the chemicals “because the products may be affected.” There were also no face masks provided, the management saying these cost too much at around P1,000 per piece. They work 12-hour shifts and days-off are prohibited. Women in the packing section carry around 11,000 kilos a day and only receive P610 a day, including overtime work. 

Aside from Champion detergent, Pepmaco also manufactures Systema toothpaste, Calla fabric conditioner, and Hana shampoo and hair conditioner.

Even if they do not succeed with their strike, Christine hopes things would be better for future Pepmaco workers. “I hope they do not experience the violations we suffered,” she said.

In the early hours of June 28, just four days into their strike, “goons wearing face masks and in full battle gear” arrived on board two vans and container vans and swooped down on the strikers’ camps while most of them were resting or sleeping. Eleven of the strikers were injured in the attack.

Photo by Sanafe Marcelo/Kodao

Romeo Aldamar, 33, nearly two years on the job as a contractual worker, was badly wounded when their picket line was attacked by company guards. “I was hit on the head, my skull and nose had bone fractures. The goons kept on spraying jets of water at me even if they could clearly see I was already bloodied,” he said.

Romeo’s wife, though still supportive of the workers’ strike, asked him to stop. But Romeo said he explained to her that he could not. “I will still stand together with the union to fight for our rights. I do this for our children,” he said.

Romeo dreams of sending his children to school and for them to finish college degrees. He said it is difficult for high school graduates like himself to find jobs. “I will endure anything for them. I wish they would never experience working in a factory like Pepmaco,” he said. #

Striking Pepmaco workers. (Photo by Sanafe Marcelo/Kodao)

Si Lian at mga manggagawa ng PEPMACO

Si Leandra Segunla o Lian, 31 taong gulang at anim na taon ng production helper sa Peerless Products Manufacturing Corporation, mas kilala sa pangalang PEPMACO, ay isa sa mga sumali sa welga simula noong Hunyo 24.

Ayon kay Lian, bukod sa mababang sahod at kontraktwalisasyon, kalunos-lunos din ang kanilang kalagayan sa loob ng pagawaan. Nariyan na haluin nila ang kemikal ng sabon na walang gloves at kanilang mga kamay lamang. Sinabi pa niya na halos wala nang paglagyan ng paltos ang kamay niya dahil sa sobrang init ng sabon na niluluto nila.

Marami din ang tinanggal ng magbuo sila ng unyon. Apat na araw mula ng maitayo nila ang welga, marahas silang sinalakay ng mga gwardya at goons ng kumpanya. Winasak ang kanilang mga kubol at marami ang nasaktan.

Sa kabila nito, determinado silang ituloy ang welga dahil bukod sa makatwiran ito. Ito rin ang sandata ng kanilang pagkakaisa para makamit ang kanilang minimithi.

Ang PEPMACO ay pagmamay-ari ng kapitalistang si Simeon Tiu. Ang mga kilalang produkto nito ay sabon na Champion, Hana shampoo, Calla detergent powder at Systema toothpaste.

Music: Tangerine Dream-Valley of Sun
Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao

Ang Sagupaan sa PEPMACO

(Bahagi ng Isang TulaSerye)
ni R.B.Abiva

“Ate, bakit lagi nang ginagabi si Nanay?”
tanong ni Hana sa kapatid
habang nakaharap sa isang palanggana
na puno ng maruming labahin
na binabaran ng pulbos ng Champion.

“Eh paano, inaabot na ng dose oras
ang ating ina sa pagawaan ng sabon,”
tugon ni Calla habang abala ito sa paghuhugas
ng pinagkainan nilang mag-anak.

“Hindi po ba labag ‘yun sa batas Ate?
Ang alam ko kasi ay walong oras lang dapat
ang trabaho ng mga manggagawa.
‘Yun din kasi ang sabi ng titser ko,”
wika ni Hana habang nakakunot
ang noo. Nahihiwagaan. Naguguluhan.

“Labag ‘yun! Sinabihan ko na nga dati
si Inay na umalis na sa kanyang trabaho
kasi maglilimang-taon na siyang
tagasako ng sabon ay kontraktwal pa rin siya.
Kaya nga hindi rin natin siya masisi
kung bakit pilit niya tayong pinagkakasya
sa barung-barong na tinitirhan natin ngayon
na ‘di hamak na mas maganda pa ‘ata
ang bahay ng alagang aso ni Simeon Tiu,
at mahal pa ang mga bilihin sa palengke,”
mabigat at padabog na sagot ni Calla.

“Nagkakasakit na nga rin si Inay.
Noong nakaraang linggo’y sinamahan ko siya
sa Pagamutang Bayan, paano ba naman kasi’y
mahigit isang linggo na ang kanyang ubo
at parang kinulam siya kasi nagbabalat
ang kanyang kamay na parang may galis
na ‘di mo malaman. Ang sabi ng doktor,
baka nakuha niya sa pagawaan.
Niresetahan naman siya
ng gamot ni Dok Isko,
kaso ang mamamahal.
Sinabihan pa niya si Inay na kailangan niyang magpahinga,
kaso, tahimik lang na tumango si Inay na para bang
may malalim na iniisip,” ‘ika ni Hana habang pinipiga
ang hawak-hawak na damit.

“Naku, asa ka pa eh nung Mother’s Day nga ay
ni hindi sila pinagpahinga. Sayang daw kasi ang kita
sabi ng boss nila. Kaya baka sa darating na panahon
ay magising na lamang tayo isang umaga na
matigas nang bangkay si Inay dahil daig pa
ang kalabaw kung kumayod sa pagawaan,”
sagot ni Calla habang isa-isang inaayos
ang mga tinidor, kutsara, plato, at mangkok.

“Ay! Ay! Ate! Kanginong damit ito
at bakit may bahid ng dugo!
Sa iyo ba ito?!
Ay! Ay! Bakit damit ito ni Inay!
Anong nangyari sa kanya?!” nang gulat-naghuhumiyaw
na si Hana.

“Kasama si Inay sa mga walang-awang sinaktan
ng mga eskirol ng pagawaan. Ayon sa kuwento
ni Aling Igmeng Panot ay nahampas ng batuta sa ulo
si Inay. Buti nga sa ulo raw ang tama ng ating Ina
kaysa sa asawa ni Asiong Bingi na bali raw ang ilong
at kahit na babae’y pinagtatadyakan pa daw sa tiyan
at dibdib at mukha. Kaya nga halos pumutok ang butsi
ng kanyang asawa sapagkat dinugo ito sa mismong barikada
nilang mga manggagawa. Nakakakilabot daw ang eksenang iyon
na parang sa pelikula lang daw nakikita,” nanginginig na sagot ni Calla
habang nakakuyom ang kanyang basang kamao.

“Bakit hindi ko ito alam Ate?!
Bakit ‘di mo agad sinabi?!”
tugon ng nakatayo’t naghihimutok
sa galit na si Hana.

“Paano ba naman kasi’y lagi kang abala sa inyong eskwelahan
at kung umuwi ka’y libro at pagbabasa ang iyong unang inaatupag,”
nang parang naniningil na tinig ni Hana.

“Eh nasaan na si Inay?” dagling bigkas ni Calla.

“Wala siya rito, pagkatapos mag-agaha’y pumunta sa pagawaan,
sa may barikada ng gaya niyang manggagawa,” maikling sagot ni Hana
habang nakayungyong ang ulo sa lupa na para bang uhay
ng palay na kay bibigat ang pasang butil.

Pagkarinig sa paliwanag ng kapatid
ay animo’y kidlat na kumaripas ng takbo si Calla
patungo sa barikada kung nasaan ang kanyang Ina
at iba pang mga Ama at Ina
na nakikibaka.
At nang mga sandaling yaon
ay nakabukas ang kanilang telebisyon
may mahinhin-malambing na tinig,
at boses ni Susan Roces iyon,
habang isa-isang lumalabas
ang imahe ng mga magkakaparis-
mag-asawa ang mga iyon
na nakasuot ng puting dami
na ang bawat paglabas nila’y sinasabayan
ng islogang “ Mula Noon, Ngayon At Magpakailanman,
Ang Champion Ay Tapat Sa Inyo.”

Hunyo 28, 2019
Lungsod ng Quezon, Maynila