Posts

Habambuhay na kulong sa mga Ampatuan

Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang mga pangunahing akusado sa malagim na Ampatuan masaker noong 2009. Matapos ang sampung taong paglilitis ay makukulong sina Datu Andal Ampatuan, Jr., Datu Anwar Sajid Ampatuan, Datu Anwar Ampatuan, Jr., Zaldy Ampatuan at Anwar Ampatuan, Sr.

Sampung taong naghintay ang mga pamilya at kaanak ng mga biktima ng malagim na masaker noong Nobyembre 23, 2009 para sa makabuluhang sentensiya ni Judge Jocelyn Solis Reyes. Mayroong 58 katao ang pinaslang sa Amapatuan, Maguindanao at 32 sa mga biktima ay mga mamamahayag. Ang malagim na pagpatay na naganap lamang sa isang araw ang naglagay sa Pilipinas bilang pangalawang mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag sa buong mundo.

Ang pagbabasa ng hatol ay naganap noong Disyembre 19 ng taong kasalukuyan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Bidyo ni Arrem Alcaraz/Larawan ni Lito Ocampo