Posts

Pahayag ng Tanggol Magsasaka sa demolisyon sa Patungan sa Cavite

Mariing kinundena ng Tanggol Magsasaka-Timog Katagalugan ang marahas na demolisyon na naganap ngayong araw, Enero 13 sa Patungan Cove, Brgy. Mercedes, Maragondon, Cavite kung saan tatlong residente ang malubhang nasugatan.

Sinalakay ng mga pwersa ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Seraph Security Agency ang mga residente na nagbarikada laban sa planong eko-turismo ng pamilya Virata at negosyanteng si Henry Sy.

Tinatayang nasa 600 na ektaryang lupain kung saan mahigit 1,200 katao ang nakatira sa nasabing lugar na karamihan ay mga magsasaka at mangingisda.