Posts

Ang laban sa VFA ay pagtutol sa imperyalismo

Ni Nuel M. Bacarra

Dalawampu’t limang taon lamang ang buhay ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng US at Pilipinas. Nagtapos ito nitong Mayo 27. Ito ay isang “kasunduan” sa pagitan ng mga punong ehekutibo ng dalawang bansa. Bagamat niratipika ito ng Senado ng Pilipinas, hindi ito pinagtibay ng Senado ng US.

Ang VFA ay isang kasunduan para sa paghimpil subalit relyebuhang presensya ng mga sundalong US sa bansa. Ibig sabihin lamang, lagi’t laging may presensya ng tropang militar ng US dito sa bansa. Siniguro ng kasunduang ito ang hurisdiksyon ng US sa mga sundalo nito na may krimeng ginawa sa bansa. Lisensya ito na nagbabasura sa sistema ng hustisya ng bansa sa usapin ng mga krimen ng sundalong US laban sa mga Pilipino.

Ang kasunduang ito ay napatunayang lubusang kilíng sa mga banyaga sa kaso ng brutal na pagpatay kay Jennifer Laude ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton noong Oktubre 2014, sa Olongapo City, Zambales at sa paggahasa kay Suzette “Nicole” Nicolas ni Lance Corporal Daniel Smith noong Nobyembre 1, 2005. Ito ang larawan ng tagibang na relasyon na mas iniligtas ang kriminal kaysa gawaran ng pabor na husga ang biktima. Subalit ang pilit na itinatago rito ay ang pagiging sunud-sunurang “pyesa” ng Pilipinas sa kabuuang laro ng imperyalismong US sa buong mundo.

Base militar ng US ang buong bansa

Hindi dapat malinlang na ang siyam na lugar sa bansa ngayon ay mga lugar lamang ng kooperasyon sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Mga base militar ito ng US at aariin ito nang walang anumang kompensasyon at walang akses ang mga Pilipino tulad ng mga base militar ng US noon sa Clark, Subic at iba pang lugar. Kung saan may pagsasanay militar ang US, naroon ang mga sundalong Kano na ibig sabihin lamang, ang buong Pilipinas ay tila magiging base militar ng dayuhang imperyalista.

Nitong Pebrero, may kabuuang 568,000 pasilidad ang US sa mahigit 4,790 na mga lugar sa buong mundo. Binubuo ito ng mga base militar, kampo para sa pagsasanay, instilasyon ng komunikasyon at iba pa. Kabilang dito ang 750 base militar ng US sa 80 bansa at mga teritoryo nito, Hindi ito katapat ng  52 base militar ng Russia na nakapakat sa mga bansang dating saklaw ng Unyong Sobyet at 29 naman mga base militar ng China. Samantala, naka-istasyon ang 173,000 tropang militar ng US sa 159 na bansa.

Mayroon nang panukalang badyet ang US sa 2025 na $9.9 bilyon para sa programang Pacific Deterrence Initiative na kapapalooban ng mga konstruksyong militar, suportang operasyong lohistikal at mga aktibidad kaugnay ng ballistic missile defense.

Kaya, handang-handa ang US para hamunin ang anumang bansa ng gera. Ginagamit ng US ang gera para sa ambisyong maging solong pinakamakapangyarihang bansa. Nakapagparami ng base militar ang US matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, noong panahon ng Cold War at sa umanong gera kontra-terorismo. Sa ngayon, ito ang pangunahing taga-suplay ng mga kagamitang pandigma sa proxy war nito sa Ukraine at Israel. Magpaparami pa ng saklaw ang US, hangga’t may mga bansang lumalaban kontra sa okupasyon at agresyon at mga bansang naglulunsad ng rebolusyon laban sa imperyalismo.

Nang-uupat ito ng gera para magnegosyo at itambol ang lakas nito upang paluhurin ang mga bansa sa kontrol nito. Ang gera sa Ukraine ay sulsol nito upang hamunin ang Russia at lumpuhin ang rekurso para mapahina ang militar na kapabilidad ng Russia. Ginagamit nito ngayon ang usapin ng mapanghamong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) gamit ang Pilipinas bilang pain sa paghahamon ng gera. Minomobilisa ng US ang ibang bansa tulad ng Japan at France na pumasok sa kasunduan sa Pilipinas para magkaroon ng tipong-VFA na kasunduan tulad ng planong Philippines-Japan reciprocal access agreement.

Modernisasyon?

Sa mga ganitong imperyalistang maniobra ng US, tango lamang ng tango ang Pilipinas sa bawat naisin ng amo nito. Ang napakalinaw na patakarang panlabas ng bansa ay ang pagsandig sa US para ipagtanggol ang bansa sa mga butangerong bansa tulad ng China sa WPS.

Sa bawat kasunduang pinapasok ng gubyerno ng Pilipinas sa ibang bansa, laging dehado ang sambayanang Pilipino. Sa ngayon, ni walang anunsyo ang dalawang kapulungan ng konggreso kung ano ang kahihinatnan ng VFA kahit na nitong Lunes, May 27, ay 25 taon na ito na siyang panahon na dapat lamang itagal ng kasunduan.

Napatunayang pabor lamang ang kasunduang ito sa mga sundalong US kahit sentensyado sa krimen nilang nagawa sa mga Pilipino tulad ng mga Smith at Pemberton. Bagamat may mga pagsasanay-militar sa mga Balikatan, ni wala pang kumakasa sa pambobomba ng tubig ng Tsina. Sa ngayon ang mga mangingisda, kabataan, guro at iba pa ay matagumpay na pumalaot sa WPS mula sa Zambales ang humamon sa Tsina kung mang-aaresto nga ito batay sa naunang anunsyo.

Hindi ang VFA ang behikulo sa modernisasyon. Sa mahigit pitong dekada ng pagkakaroon ng mga kasunduang militar sa US, palasak na itinatambol ang modernisasyon ng AFP. Ang ipinangangalandakang ranggo ng Pilipinas na ika-34 sa pinakamalakas na militar sa 145 bansa sa buong mundo ay dahil pa sa dami ng sundalo at reserba nito dulot ng mataas na porsyento ng kawalang-trabaho sa bansa. Subalit bagsak ito sa usapin ng mga modernong kagamitan at kakayahang makidigma.

Walang bagong kagamitang militar iaabuloy ang imperyalismong US sa AFP kundi yaong mga laspag na, pinaglumaan at di nakatutugon sa pangangailangan. Mula 1951, atrasado at luma na ang inaabot ng antas ng kagamitang militar ng AFP. Binibili ng gubyerno ng Pilipinas ang ipinagmamalaki nitong kagamitan mula sa Israel, India, Turkiye, South Korea at hindi sa US. Hindi rin mainam na sa US bumili ng mga tunay na modernong kagamitan dahil mananatili sa military nito ang kontrol sa mga missile at fighter jets tulad ng F16.

Larawang kuha ni N. bacarra/Kodao

Wakasan ang VFA

Mangangailangan ng dambuhalang pagkilos ng maamamayan para sa pagbasura sa VFA. Lantaran ang pakikialam ng US sa usaping internal ng Pilipinas. Ginamit ang VFA para sa operasyon noong 2015 sa Mamasapano sa panahon ng rehimeng Aquino II na sangkot ang mga sundalong US. Gayundin sa pagwasak sa Marawi City sa panahon ni Duterte dahil sa grupong Maute. Sa ngayon, kinakaladkad nito ang bansa sa planong pangge-gera sa Tsina na siyang layunin ng mga ehersisyong Balikatan sa WPS at sa iba pang estratehikong lugar sa Pilipinas.

May matibay na dahilan upang labanan ang lahat ng tagibang na kasunduang militar sa iba’t ibang bansa partikular sa US. Pero hindi lamang ito ang kailangang pagtuunan ng pansin at direksyon ng paglaban. Ang inahin ng VFA at ng iba pang kasunduang militar na pinasok ng Pilipinas ay ang Mutual Defense Treaty ng 1951. Hangga’t nananatili ito, magsususon-suson lamang ang mga kasunduang militar dahil sa pagiging papet na republika sa US.

Hindi makakawala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa banta ng panloob na seguridad ng bansa laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kapwa ito at ang agresibong aksyon sa WPS ng China ay di kayang harapin ng AFP dahil sa pagkasanay nitong umasa ng ayuda mula sa imperyalismong US.

Hindi pagtulong kundi pagsilo na maging palaasa ang bansa ang dulot ng mga kasunduang militar sa dayuhang kapangyarihan. Buladas ang ipinangangalandakang modernisasyon para sa AFP. Kailangang wakasan na ang paniniwala sa mga na ito. Iisa ang layon nito, ang bitagain ang bansa sa imperyalistang kontrol sa pagkakanulo ng mga nagsipagrelyebong rehimeng siláw sa kapangyarihan at yaman.

Mayaman ang karanasan ng mamamayang Pilipino sa pakikidigma sa dayuhan. Pero ang tagumpay ng bayan ay laging inaagaw ng dayuhang kapangyarihan na nagkukunwaring tagapagligtas ng bansa dahil sa marupok ang pampulitikang paninindigan ng naghaharing uri. Kung gayon, ang laban kontra sa VFA at sa anumang patakarang ipinapataw ng dayuhan ay dapat iangat sa usapin ng pandaigdigang laban sa imperyalismo na komprehensibong sasaklawin ang ekonomiko, pulitikal, kultural at militar na aspeto ng lipunang Pilipino. #

Balikatan 2024: Para kanino?

Ni Nuel M. Bacarra

Lagi’t laging target ng mga mananakop na paluhurin ang Pilipinas sa dayuhang kapangyarihan. Mula sa panahon ng kolonyalistang Español na nagbunsod ng Rebolusyong Pilipino noong 1896, sumunod ang mga nagpabalik-balik na mga Amerikano na bantog sa mga masaker at gera sa umpisa pa lamang ng siglong 1900 at ng mga Hapones naman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas sa pandaigdigang istruktuta ng kapangyarihan (o  geopolitics) at ang taglay nitong rekurso sa kalupaan man o sa karagatan ay mga panghikayat sa mga mananakop para sa pamalagiang presensya nila para sa direkta o di-direktang pananakop sa bansa.  Hanggang ngayon, ang pagiging malakolonyal na katangian ng Pilipinas sa ilalim ng imperyalismong US ang ginagamit ng huli para tuluyang lubusin ang kontrol nito sa bansa.

Ang patuloy na paghahamon ng gera ng US sa China para igiit ang hegemonya nito ay kumakaladkad sa Pilipinas sa isang napipintong digmaan sa pagitan ng mga imperyalistang bansang ito.

Nagpakana ng “tulungan” ang US upang hinangin ang garantiya ng Pilipinas sa pang-uupat ng gera sa China bilang piyon. Nangyari ang pulong nitong Abril 11 sa Washington D.C., US kabilang ang Japan bilang katuwang ng US. Tinawag itong Trilateral Summit ng US, Japan at Pilipinas.

Magkakaanyo ang tulungang ito sa pamamagitan ng mga mapanghamong ehersisyong militar o “Balikatan”, paglalayag ng mga barkong pandigma ng iba’t ibang bansa sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at maging lampas pa sa teritoryal na saklaw ng bansa, ng pagtambak ng mga dayuhang armadong tropa at mga armas at kagamitang pandigma.

Ang anumang pang-ekonomyang kasunduan ng tatlong bansa tulad ng mga proyektong pang-imprastruktura gaya ng Luzon Corridor, proyektong sa teknolohiya, pagharap sa problemang pangkapaligiran at enerhiya ay nilalambungan ng tunay na layon nito na tugunin at harapin ang China na naggigiit ng soberanya nito sa West Philippine Sea (WPS) at kinakikitaan umano ng mapanganib at agresibong gawi rito. Ito ay mga proyekto na inihahanda para sa gera.

Agresibong Balikatan

Bago pa ang Trilateral Summit, pinagtibay na ng US at ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong isang taon ang Bilateral Defense Guidelines na nagpapahintulot sa US na makialam hindi lamang sa Pasipiko kundi maging sa West Philippine Sea. Pinahihintulutan din nito ang pakikialam ng US sa panloob na seguridad at depensa sa ngalan ng paglaban sa “terorismo”.

Samantala, nitong Abril 22, pormal na sinimulan ang Balikatan ng US at Pilipinas. Isa ito sa pinakamalaki sa kasaysayan ng mga ehersisyong militar na kasasangkutan ng 16,000 tropa. Kasangkot din ang 150 sundalo mula sa Australia habang paglalayagin ng Pransiya ang kanilang barkong pandigma sa loob ng EEZ ng Pilipinas habang may 14 pang bansa ang makikisangkot bilang tagamasid.

Mga sundalong Amerikano at Pilipino sa isang nakaraang Balikatan. (Larawan ng US Marine Corps.)

Sa pahayag ni Col. Michael Logico, tagpagsalita ng Balikatan 2024, kaugnay sa ehersisyong militar na tatagal hanggang Mayo 10, aniya: “Ang dahilan kaya naglulunsad tayo ng mga ehersisyo ay upang ipakita ang ating kahandaan sa labanan. Pagpapakita rin ito ng ating komprehensibong konsepto ng depensang pangkapuluan.” Dagdag pa niya, “Ginagawa natin ang mga ehersisyo sa pangunahing dahilan na magmantine ng isang mataas na antas ng kahandaan.”

Katawa-tawa ito dahil ang pinaghahandaang gera ay hindi natin laban kundi digmang isinasalaksak sa mamamayan ng among imperyalismong US na siyang may napakalaking interes na digmain ang China sa usapin ng ekonomya at panatilihin ang sarili bilang nangungunang imperyalistang superpower sa mundo. Ang sinasabing kahandaan ay isang usok na pangarap dahil ang lakas ng isang bansa sa usapin ng depensa ay nakabatay sa lakas ng lokal na ekonomya at hindi sa pag-asa sa tulong ng dayuhan. Ang lokal na ekonomya ng Pilipinas na nakabatay sa pag-angkat ng mga batayang pangangailangan kailanman ay di makapagsusustine ng gera. Isusubo ang mga sundalong Pilipino sa isang digmaang nasa kumpas ng imperyalismong US. Ang buong bansa ay magiging base militar muli ng US para sa sarili nitong interes, at hindi ng mamamayang Pilipino.

Ang kontra-insurhensyang programa ng gubyerno mismo ay bigo laban sa mga rebolusyonaryong pwersa. Bigo ang itinakdang paglansag sa mga larangang gerilya ng New People’s Army (NPA) na diumano ay dapat mangyari sa unang kwarto ng taon at durog na diumano sa katapusan ng Hunyo ang mga bertikal na pormasyon nito habang lulusawin ang lahat ng komiteng rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas bago matapos ang taon.

Sa 39 na ehersisyong militar mula 1991, ang Philippine Coast Guard ay lalahok sa kauna-unahang Multilateral Maritime Exercise ng Balikatan. Ang Balikatan ay gaganapin sa Luzon at Palawan na katatampukan ng pagpapalubog ng barko at una rin ito sa mga ehersisyong militar na lalampas sa 12 nautical miles na teritoryal na hangganan ng Pilipinas.

Bangkaroteng patakarang panlabas

Ayon mismo sa rehimeng Marcos Jr., ang patakarang panlabas ng Pilipinas ay nangangailangan ng pagbalanse sa China at sa US. Sinasaklaw ng China ang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) habang pabor ang rehimen sa malaya at hayag na pananaw ng US sa Indo-Pasipiko.

Kung ito ang susundan, sinusunod ng rehimen ang kapritso ng US sa pagtatayo ng mga base militar sa bansa at sa pagsasagawa ng mga ehersisyong militar para sukatin ang kakayanan ng China gamit ang Pilipinas. Mapanganib ito sa bansa dahil inilalarga ng US ang mga balak nito gamit ang ating kalupaan at karagatan na nagsasapeligro sa Pilipinas sa isang gerang di naman natin ginusto.

Sa kasalukuyang galaw ng rehimeng Marcos Jr, lantad ang kiling nito sa imperyalismong US at sa kongkretong pagdalo sa trilateral summit at sa mga nakakasang Balikatan sa bansa hindi dahil gusto nitong isabak ang bansa sa isang gera bilang piyon ng US o bilang pagsalungat sa dating pangulong Rodrigo Duterte na itsurang maka-Tsiina.

Nangunguyapit ang rehimeng Marcos Jr. sa US na bukod pa sa pinakamalakas na kapangyarihan ito sa mundo sa usapin ng ekonomya at militar, nais niyang iparating sa buong mundo na nalinis na ang pangalan ng mga Marcos na dating bantog sa daigdig bilang pasistang diktador at mandarambong dahil sa pagkandili sa kanya ng US.

Nilalabag din ng rehimeng Marcos Jr. ang probisyon sa Konstitusyon sa Artikulo II, Seksyon 7 kaugnay sa independyenteng patakarang panlabas na dapat binibigyang kahalagahan sa pakikipagrelasyon sa ibang estado ang pambansang soberanya, teritoryal na integridad, pambansang interes at karapatan sa pagsasarili. Ang pagbibigay-kaluwagan sa mga pagtatayo ng mga base militar ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA ay taliwas sa probisyong ito dahil walang hurisdiksyon ang Pilipinas sa mga base military o sa mga sundalong dayuhan.

Dagdag pa rito, ang mga haligi diumano ng patakarang panlabas ng Pilipinas ay ang pagpapaunlad ng pambansang seguridad, ang pagkakamit ng pang-ekonomyang seguridad at ang proteksyon sa mga karapatan, kagalingan at interes ng lahat ng Pilipino sa ibayong dagat. Hindi pagpapaunlad ng pambansang seguridad ang presensya ng sundalo ng US sa bansa na mananatili sa mga base militar ng US habang hindi interes ng mamamayan ang kagutuman, kawalang-hanapbuhay, mababang sahod, mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na sanhi ng pagtaas din ng batayang bilihin at iba pa. Ito ang mga saligang usaping dapat kinukompronta ng rehimeng Marcos Jr.

Sa mga insidente ng pagiging agresibo ng China sa WPS kontra sa mga Pilipinong Coast Guard na ilang beses nang binomba ng tubig para itaboy at sa huling pangyayari ay mga nasugatan, lumalabas ngayon na tila may sinandalang pader ang rehimeng Marcos Jr. dahil sa Trilateral Summit ng US, Japan at Pilipinas. Ang dalawang imperyalistang kapangyarihan na dating nangolonya sa bansa ay pinapalabas na kapanalig ngayon ng Pilipinas.

Samantala, mahigit 70 kasunduan sa depensa ang naisara ng Japan sa US. Kabilang dito ang network ng missile defense system. Magsiserbisyo din ang Japan sa mga barko ng US sakaling may mga kailangang kumpunihin. Gayundin, ang mga diplomatikong kasunduan ng Japan at Pilipinas kaugnay ng magkatugong akses sa mga base militar ay dapat mapagkasunduan. Nangangahulugan ito ng papayagan ng Pilipinas ang mga pwersang militar ng Japan sa mga base militar ng Pilipinas.

Mga makabayang kabataang tutol sa presensiya ng dayuhang militar sa teritoryo ng Pilipinas. (Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Sa huli, sa mga ganitong kasunduan, lagi’t laging todo-bigay ang Pilipinas sa kapritso ng mga dayuhan. Pwedeng makialam ang mga dayuhan sa internal na usapin ng bansa. Sa kasaysayan ng mga base militar, hindi makatutuntong ang mga Pilipino sa mga baseng ito na nakatirik sa kalupaan natin.

Nasa estratehikong lokasyon ang pakat ng mga base militar ng US sa ating bansa. Pawang nakapakat ito laban sa China. Isusubo ng imperyalismong US ang Pilipinas bilang pambitag sa China. Imperyalistang bansa rin China na may kakayanang makipaggera at may napakalakas at matatag na ekonomya.

Ang Trilateral Summit ng US-Japan at Pilipinas kung gayon ay kapulungan ng mga imperyalista bansa sa presensya ng isang tutang estado. Wala itong pakinabang sa mamamayan, kung kaya marapat na tutulan at wakasan ng mamamayang Pilipino. #  

Activist grandson on Malvar biopic: Why focus on Pacquaio and not on general’s fight against US imperialism?

An activist grandson of General Miguel Malvar said ongoing debates on the upcoming biopic should focus more on the hero’s fight against United States imperialism and less on who was chosen to play the film’s lead role.

Reacting to widespread opposition to the producer’s choice of Senator Emmanuel Pacquiao to play the lead role in the movie “Malvar”, retired University of the Philippines and De La Salle University professor and Marcos martial law torture victim Edberto Malvar Villegas said the film’s depiction of the US’ crimes against the Filipino people that should be the most important consideration in appreciating the film.

“If Pacquiao has other political purpose in agreeing to play the role of Malvar, that pales before the fact that this movie will bring into full light the grievous genocidal crimes of the US against another people,” Edberto said in his Facebook post Monday.

“For, eventually, all past crimes will be revealed before the unflinching gaze of history and the telling of the tragic fate of the Filipino people in general and Kumandante Heneral Malvar in particular during the Fil[ipino]-American war cannot be prevented even by his own relatives,” he explained.

Edberto disagreed with his nephew and the general’s namesake Miguel Malvar who publicly slammed the film project saying, “Apparently, a relative had unilaterally decided that he would enter into an agreement with outside parties to produce the Malvar film without the express consent of the entire clan.”

The younger Malvar’s comment further fueled a flood of negative reactions that generally criticized the producer’s decision to cast Pacquiao to play the hero. Although he has previously acted in several films in the past, those opposed to the project pointed out that the senator is not an actor.

Edberto agreed with his brother, the film’s producer Jose Malvar Villegas, that it is not necessary to solicit the entire clan’s permission for the film to be produced.

“For no one owns the life of the Kumandante-Heneral because history has already claimed him as one of its beloved sons.”

General Malvar is acclaimed in Philippine history to be the last general who fought against the US invasion of the Philippines.

Edberto revealed in his post that the late general suffered even after the Filipino-American War.

HTTPS://WWW.FACEBOOK.COM/GENERALMALVARMOVIE

US imperialism’s crimes against Filipinos

Edberto, Malvar’s grandson by his youngest daughter Isabel, revealed that the US colonial government in the Philippines tried to bribe Malvar by offering him the governorship of the province of Batangas and the command of the then Philippine Constabulary, precursor of the Philippine National Police whose chief has recently stepped down due to public revelations of corruption.

Edberto said Malvar refused because he hated the invaders, particularly their burning of villages and torture of prisoners.

For this, the American colonial government seized 700 hectares of his property at the foot of Mt. Makiling in Laguna province that eventually became part of the UP’s Los Baños sprawling campus.

The Malvar clan tried to reclaim the property but was denied by the colonial Supreme Court in the 1930s.

Edberto said Malvar’s last words to his children were to never allow the Filipinos to forget the revolutionaries’ fight against the US imperialists.

“Huwag kakalimutan ng sambayanang Pilipino ang pakikipaglaban ng mga unang rebolusyonaryo natin sa mga dayuhan, partikular sa malupit na imperyalismo E.U. na sa pananakop nito sa Pilipinas ay nagkaroon ng 1.5 milyun katao napatay, karamihan mga sibilyan dahil sa pamamaraan ng pangegera ng mga Kano, kahit ng hanggang ngayon,” Malvar reportedly told them.

(Let not the Filipino people forget the first revolutionaries’ struggle against the invaders, especially the cruel US who killed 1.5 million, mostly civilians, because of how they wage war until now.)

After the general’s death, however, the US colonial government tried to bribe his sons with state-side scholarships and largesse.

Yun[g] namatay ang lolo ko, agad binigyan ng E.U. ang lahat ng mga tiyo ko ng mga schlolarship sa E.U. sa University of Yale, University of Princeton, atbp, at inaapoint ang ilang tiyo ko bilang mga konsul sa embahada ng E.U.. Nang di nila makuha ang isip ng lolo ko maging maka-Kano at huwag magreklamo sa pananakop ng bayang ito, ang pinuntriya ay mga anak niya,” Edberto wrote.

“Kaya, kung may masasabi tayo na maigting edukasyon kolonialismo sa isang angkan, ang nangunguna dito ay angkan Malvar,” he revealed.

(When my grandfather died, the US immediately gave his sons scholarships to Yale, Princeton and others and appointed some of my uncles as consuls in US embassies. When they failed to turn my grandfather and become their stooge, they worked on his sons.

So, if any clan is to be accused of being victims of colonialist brainwashing, the Malvar clan would be among the first.)

The Malvar clan was even given an award as an American Family during the bicentennial of the US revolution, he added.

As a result, majority of Malvar’s descendants, especially those from the male line, were rabidly pro-US, Edberto revealed, adding that descendants from the hero’s daughters are not as rabid as they did not benefit from the bribes.

“Alam ninyo, kapag nagsasalita mismo ako sa mga anibersaryo ng kapanganakan ng lolo ko tuwing Sept. 27 ang ilang kamaganak ko pa ang tumututol kung sinasariwa ko ang pakikipaglaban ng lolo ko sa mga Kano noong panahon ng digmaan Filipino-Amerikano,” he explained.

(You know, when I speak during anniversary commemorations every September 27, some relatives even object to my reminiscing our grandfather’s fight against the Americans.)

Huwag kayo magtaka kung sa loob mismo ng angkan Malvar may pumupuna sa darating na sine ni Malvar, lalo na yun mga nakatira sa US na mahabang panahon. Grace of the US embassy at yun mga nagtratrabaho sa US establishment,” Edberto said.

(Do not be surprised if within the Malvar clan, there are those who are against the film, especially those who have lived in the US for the longest time. They are benefactors of the US Embassy and those who worked in the US establishment.)

Edberto said it was his brother Jose who approached Pacquiao to help in the production of the film after several unsuccessful attempts to solicit support from businesspersons, including those who have been producing historical biopics, such as the prominent and rich Ortigas clan.

He added that Pacquiao did not bankroll the film but asked his friends to contribute a total of P100 million.

“Sabi ng brod ko patak-patak dumarating ang pera pero aabot sa P100M, ang minimum kapital para magawa ang sine,” he said.

(My brother said the money came in trickles but it has reached P100 million, the minimum capital to produce the film.)

Edberto said that the contributors were local national bourgeoisie who hate the US but do not want to be identified because of partnerships with US businesses.

The huge budget would be spent mostly on filming the trench warfare scenes, Edberto said.

He however revealed that Pacquiao wanted to play the role of Malvar.

Edberto said he edited the movie script. # (Raymund B. Villanueva)

‘Ipinaglalaban ang kalayaan’

Bayan: Send Pemberton to Bilibid

Bagong Alyansang Makabayan and other patriotic organisations held a protest rally in front of Camp Aguinaldo last December 4 to condemn what they believe is preferential treatment to convicted killer US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

According to Aaron Bonette, chairperson of the LGBTQ organisation Bahaghari, Philippine President Benigno Aquino killed Filipino transgender Jennifer Laude for agreeing to a special facility for the US soldier instead of a national Filipino prison as originally ordered by the trial court that convicted him.

The US refused to turn over to Philippine authorities after his conviction last December 1 and instead insisted that Pemberton be brought back to the military camp where it has its own facilities.

Both Philippine and US governments are reported to be jointly building a new jail for Pemberton in accordance with Visiting Forces Agreement provisions.

Patriotic organisations however say that the move is not only unjust to the victim but is in fact another violation of Philippine sovereignty by the US government.

The protest rally also called on the abrogation of the Visiting Forces Agreementbetween the US and Philippine governments. #