Ilang manggagawa nastranded pauwi sa kanilang tahanan
Naglabas ng hinaing ang ilan sa mga kababayan natin na hindi pinayagang makatawid at makauwi sa kanilang mga tahanan noong umaga ng Marso 18 sa boundary ng Pasig City at Cainta sa Rizal. Ito ay matapos ipatupad noong Marso 15 ang Luzon-wide lockdown, sanhi ng CoViD-19, na tatagal hanggang Abril 12
Giit ng mga pulis, tanging mga taga-Cainta lamang ang maaring dumaan sa checkpoint at inaantay pa ang abiso mula sa Malacanang kung sila ay padadaanin. Sinabi pa nila na humanap na lamang ng ibang daanan ang hindi mga taga-Cainta bagay na ikinagalit ng ilan sa mga kababayan natin na halos araw-araw ay dumadaan sa nasabing ruta mula sa kanilang mga trabaho.
Joseph Cuevas/Kodao