Posts

‘Ninakaw na sa atin ang lahat-lahat’

“Napakasaklap na sa bansang ito ang mismong paggamit ng sariling wika—pagsasalita, pagsusulat—ay isang anyo ng protesta. At ngayon, ipinagkakait na pati ang pag-aaral ng wika at ng yaman at hiwaga ng panitikan. Ninakaw na sa atin ang lahat-lahat.”–Mayette Bayuga, manunulat

Kung isasantabi ang wika

“Ang wika ay isang simbolo ng iyong matayog na pinanggagalingan. Kung ito ay isantabi natin, malamang wala tayong patutunguhan bilang mamamayan. Ipagbunyi, mahalin, yakapin, pagyamanin ang sariling atin.”—Bayang Barrios, mang-aawit

‘Unti-unti na tayong binubusalan’

“Sa wika at panitikang Filipino ay mas malayang naipapahayag natin ang ating mga puso at kaluluwa. Sa pagtanggal ng mga araling ito ay unti-unti nila tayong binubusalan.”—Ricky Lee, manunulat

Concerned Artists of the Philippines

Nakakadismayang desisyon ng CHED at Korte Suprema hinggil sa asignaturang Filipino at Panitikan

“Kaya nakakadismaya ito sa ating mga Pilipino dahil imbes na tatagan ang ating pagkatao sa pamamagitan ng edukasyon at kulturang Pilipino ay inilalayo tayo sa posibilidad na higit nating makilala ang ating pagkatao.”—Dr. Roland Tolentino (guro, manunulat, kritiko)

‘Ang gusto ng manlulupig’

“Ang wika ay hindi lang salita. Kamalayan din iyon at sensibilidad. Nasa panitikan at kasaysayan ang dangal ng bawat bayan. Sambayanang walang alam sa sarili? Iyon ang gusto ng manlulupig.”—Jun Cruz Reyes, manunulat, makata, pintor

Concerned Artists of the Philippines image.

Hinggil sa pagtatanggal sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo

“Ang pagtanggal sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo ay isang palatandaan na nakakaligtaan nila na ang edukasyon ng mga Pilipino ay ibinatay sa edukasyon ng mga kolonyalistang Amerikano.”—Dr. Bienvenido Lumbera, chairperson emeritus, Concerned Artists of the Philippines/Pambansang Alagad ng Sining

Image by the Concerned Artists of the Philippines