Eksibisyon: ‘Tatlong Taong Walang Diyos’
Binuksan sa publiko ang “Tatlong Taong Walang Diyos”, isang eksibisyon ng mga imahe na nagsasalarawan sa tatlong taon ng administrasyong Duterte, at ang drug war nito.
Tampok sa eksibit ang mga likha nina Raffy Lerma, Ezra Acayan, Kimberly Dela Cruz, Aie Balagtas See, Eloisa Lopez, Vincent Go, Ciriaco Santiago III, Basilio Sepe, Carlo Gabuco, Mike De Leon, Carlos Siguion-Reyna, Lav Diaz, Carina Evangelista, David Ramirez, RISE UP at RESBAK.
Ayon sa mga artista, hindi lamang ipinapakita ng mga imahe ang aktwal na mga pangyayari sa drug war kundi layunin din nito na ilarawan ang bigat ng responsibilidad nang pagiging isang saksi bilang mga photojournalist.
Tampok rin ang mga litrato ng mga biktima – nanay, tatay, kuya at mga bata – sulyap noong sila’y nabubuhay pa.
Ang “Tatlong Taong Walang Diyos” ay matutunghayan hanggang Oktubre 30 sa Stall #09 ng Cubao Expo, Martes hanggang Linggo ng 1PM-9PM. # (Ulat at mga larawan ni Maricon Montajes)