Posts

Pahayag ng Makabayan Bloc sa badyet ng Office of the President

Nag-rali ang mga kasapi ng Makabayan Bloc sa Batasan noong Lunes, Setyembre 14, upang tutulan ang anila’y napakalaking badyet ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte samantalang mababa ang badyet para sa kalusugan sa gitna ng krisis ng coronavirus.

Ang pagkilos ay kasabay ng deliberasyon ng House of Representatives Committee on Appropriations sa lampas walong bilyong piso para sa Office of the President sa susunod na taon, higit kalahati nito ay intelligence fund na maaring hindi na iulat sa Commission on Audit. Buong-buong inaprubahan kalaunan ang badyet ng pangulo.

Health Workers storm Malacañang over budget cuts and lack of salary increases

Nag-protesta ang mga manggagawang pangkalusugan, nurse at doktor sa Mendiola sa Maynila para tutulan ang malaking budget cut at manawagan ng dagdag sahod noong Oktubre 15. Binatikos nila ang P10 bilyon na budget cut sa sektor para sa 2020.

Ayon sa Alliance of Health Workers, tuluyan nang tinalikuran ng gobyerno ang obligasyon nito na bigyan ng maayos at abot-kayang serbisyong medikal ang taumbayan. Taun-taon ay binabawasan ang budget sa mga serbisyo habang pinalalaki ang budget sa pambansang depensa at pork barrel ng mga kongresista.

Nanawagan din sila na taasan ang sahod ng mga manggagawang pangkalusugan sa P16,000 sa minimum kada buwan, P30,000 para sa mga nurse at P80,000 para sa mga doktor. (Background music: News background / Bidyo ni Joseph Cuevas-Kodao)