‘Kalokohan ang P54.6-bilyon para sa retired military’
“Kalokohan ang P54.6-bilyon para sa retired military dahil hindi ito ang kagyat, at ang kailangang buhusan ng pondo ngayon ay ang produksyon ng pagkain at pag-angat sa lubog nang kalagayan ng mga maralitang sektor, laluna na ng mga magsasaka at nasa kanayunan. Bahagi na naman ito ng ‘Duterte Palpak’ dahil prayoridad na naman ang militar kaysa pagkain na pangunahing kailangan ng taumbayan.” — Zenaida Soriano, Tagapangulo, Amihan